Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

- Si Jerald Napoles ay humingi ng basbas sa magulang ni Kim Molina bago mag-propose

- Sa isang viral na video, tinawagan ni Jerald ang magulang ni Kim upang ipakita ang singsing

- Sinabi ni Jerald na kasama sa mga minahal niya ang pamilya ni Kim bukod kay Kim mismo

- Maraming netizens ang naantig at humanga sa taos-pusong pahayag ni Jerald

Sa isang makabagbag-damdaming eksena, nagpakita ng hindi matatawarang paggalang at pagmamahal ang aktor na si Jerald Napoles sa pamilya ng kanyang longtime partner na si Kim Molina.

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"
Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"
Source: Facebook

Sa isang video na naging viral kamakailan, ibinahagi ni Jerald ang kanyang espesyal na plano na humingi ng basbas mula sa mga magulang ni Kim bago niya isakatuparan ang kanyang balak na mag-propose ng kasal sa aktres.

Makikita sa video na tinawagan niya ang mga magulang ni Kim upang humingi ng kanilang pahintulot at basbas. Sa umpisa ng video, halatang kabado ang aktor, ngunit puno ng sinseridad nang simulan niyang magsalita.

Read also

Estudyanteng naputulan ng paa, hinangaan sa pinakitang dedikasyon para makapag-aral

Habang hawak ang singsing na balak niyang i-alok kay Kim, ipinakita ni Jerald ang kanyang buong puso at pagpapakumbaba.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Love you... I love you both. Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim. Matagal na tayong pamilya at kaya ako ngayon ay nagpo-propose din sa inyo,” aniya.

Matapos marinig ang mga pahayag na ito mula kay Jerald, narinig naman ang pagsang-ayon at pagsuporta ng mga magulang ni Kim. Labis ang kanilang pasasalamat at kasiyahan na makita kung gaano kamahal ni Jerald ang kanilang anak, at kung paano nito itinuring na mahalaga ang kanilang opinyon at basbas.

Ang nasabing video ay mabilis na kumalat at naging usap-usapan sa social media, kung saan marami ang naantig at napahanga sa ipinakitang respeto at pagmamahal ni Jerald hindi lamang kay Kim, kundi pati na rin sa pamilya ng aktres.

Read also

Lie Reposposa, nagbahagi ng nakaka-inspire na mensahe tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya

Maraming netizens ang nagkomento na bihira na ngayon ang mga kalalakihang handang magpakita ng ganitong klaseng paggalang at pagsusumikap para makuha ang basbas ng mga magulang ng kanilang minamahal.

Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights', at Elsa sa mainstream film na '#Jowable' kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Matatandaang buong tapang na naibahagi ni Jerald Napoles ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya. Ipinagmamalaki rin niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod.

Samantala, binahagi ni Jerald ang video kung saan makikitang tila naiiyak ang girlfriend niyang si Kim. Hawak nito ang kanyang cellphone at nanonood ng video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate