Ogie D sa nakiusap na 'wag ilabas ang kanyang kwento: "'Di naman sa nakikipag-unahan ako"

Ogie D sa nakiusap na 'wag ilabas ang kanyang kwento: "'Di naman sa nakikipag-unahan ako"

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa personalidad na minsang nakiusap sa kanya

- Ang naturang pakiusap ay huwag na sana umanong isapubliko pa ang kaganapan tungkol sa kanya

- Subalit, ang masaklap, ang personalidad mismo umano ang naglalabas ng sarili niyang kwento

- Ani Ogie, hindi naman sana sa nakikipag-unahan siya sa paglalabas ng balita

Isa sa mga naibahagi ni Ogie Diaz sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez ay tungkol umano sa personalidad na minsang nakiusap sa kanya na huwag na lamang ilabas ang kung anumang nabalitaan nito ukol sa kanya.

Ogie D sa nakiusap na 'wag ilabas ang kanyang kwento: "'Di naman sa nakikipag-unahan ako"
Ogie D sa nakiusap na 'wag ilabas ang kanyang kwento: "'Di naman sa nakikipag-unahan ako" (Aiko Melendez YouTube)
Source: Facebook

Ang hindi kagandahan sa nangyari, inilabas din umano ito ng personalidad sa sarili niyang presscon.

"Minsan kasi ang nakakbwusit Aiks, okay ako. Sasabihin mo kunwari sa akin, "huwag mo nang ilabas" Tapos ikaw sa presscon mo, doon mo sasabihin... Sasabihin sa presscon, sa akin 'wag nang ilabas, pero 'dun inilabas niya eh di sana pala ako na naglabas, bahala ka nang linawin. Nakiusap ka, pinakinggan kita, tapos ilalabas mo sa iba. Hindi naman sa nakikipag-unahan ako ng balitaan."

Read also

Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

"Sana kung ayaw mo talaga siyang humaba, edi dedmahin mo 'wag mo nang pag-usapan sa presscon. E minsan ikaw pa ang nag-o-open up. Gusto mo pala may pelikula," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang minsan nang nabansagan si Ogie bilang 'Patron ng Marites' at 'Patron ng hiwalayan' gayung marami sa kanyang mga naibalita 'di umano showbiz couples na nagkakalabuan na, at totoo palang hiwalay na.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Sandro Muhlach, naglakas-loob na ikwento ang umano'y naranasang pang-aabuso

Isa sa mga maiinit na unang naibalita kamakailan ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa umano'y isyu nina Sandro Muhlach at sa dalawang independent contractor ng GMA.

Sa isa sa mga episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie na gusto na umanong dumulog ng biological mother ni Sandro Muhlach kay Senator Raffy Tulfo sa kasagsagan ng isyu. Sa ngayon, dinidinig na umano ito sa senado kung saan ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ang nagsampa ng reklamo at humaharap sa senado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica