Dina Bonnevie, napa-mura dahil sa 'Just give me my money prank'

Dina Bonnevie, napa-mura dahil sa 'Just give me my money prank'

- Kinaaliwan ang reaksiyon dahil sa usong-usong TikTok trend na 'Just give me my money prank'

- Nakangiti pa ito sa simula habang nakikipalakpak sa mga kasamahan sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

- Sa naturang prank, kinakailangang pumalakpak pagkatapos banggitin ng bawat isa ang linyang 'Just give me my money'

- Kaya naman, nawindang si Dina nang hindi pumalakpak ang mga kasamahan nang siya na ang nagsalita

Kinaaliwan ng maraming netizens ang reaksiyon ni Dina Bonnevie matapos siyang mabiktima ng usong-usong TikTok trend na 'Just Give Me My Money Prank'. Sa simula ng prank, nakangiti pa si Dina habang nakikipalakpak sa mga kasamahan niya sa set ng "Abot Kamay Na Pangarap."

Dina Bonnevie, napa-mura dahil sa 'Just give me my money prank'
Dina Bonnevie, napa-mura dahil sa 'Just give me my money prank'
Source: TikTok

Ang konsepto ng naturang prank ay kailangan pumalakpak ang bawat isa pagkatapos banggitin ang linyang "Just give me my money." Subalit, nang si Dina na ang nagsalita, nawindang siya nang hindi pumalakpak ang kanyang mga kasamahan, dahilan upang siya ay mapa-mura sa gulat at pagtataka.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napagtanto ni Dina na napagkaisahan siya, kaya’t napamura pa ito sa pagkabigla. Agad namang nagpakita ng pag-alala ang kanyang mga kasamahan at niyakap siya matapos ang prank, habang patuloy na nagtatawanan ang lahat sa tagumpay ng kanilang biro.

Si Dina Bonnevie ay isang kilalang Filipina aktres na nagkaroon ng makulay na karera sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Ipinanganak bilang Geraldine Schaer Bonnevie at sumikat noong dekada '80 at naging isa sa mga pinakatanyag na aktres sa bansa.

Matatandaang naibahagi ni Dina na okay sila ni Alex Gonzaga matapos ang insidenteng naganap 12 taon na ang nakalipas. Aniya, matapos nilang magkaiyakan ay naging okay na sila at sa katunayan ay nag-guest pa si Ms. Dina sa show ni Alex. Aniya, nagkabiruan pa daw sila at si Alex mismo ang naghost nang mag-guest siya sa isang show na hindi na siya pinangalanan. Nilinaw niya din na wala siyang galit kay Alex at sinagot lamang niya ang tanong ng press sa isang press conference.

Ayon kay Dina, hindi siya na-offend na tinawag siyang matandang artista ni Alex sa kanyang binahaging podcast. Aniya, totoo naman na matanda na siya dahil 61 na umano siya ngunit aniya gusto niya ding makita ang mga kaedad niya kung "looking fresh" daw sila. Diretsahan niyang sinabi na "fresh" looking pa rin siya sa kanyang edad at iyon ang kanyang nararamdaman. Matatandaang sa podcast na tinutukoy ay nabanggit ni Alex ang tungkol sa ginawa sa kanya ng artisang di niya pinangalanan sa set ng ginawa nilang serye.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate