Ivana Alawi, sa Batang Quiapo: "Ako mismo 'yung nagpaalam ng maayos"

Ivana Alawi, sa Batang Quiapo: "Ako mismo 'yung nagpaalam ng maayos"

- Nagsalita na si Ivana Alawi sa pagkawala niya sa Batang Quiapo

- Matatandaang inulan ito ng kontrobersiya at nilinaw niya ang dahilan bakit kinailangan niyang lisanin ang serye

- Pinabulaanan din niya kumalat patungkol umano sa kanyang 'attitude'

- Matatandaang gumanaw si Ivana bilang si Bubbles na isa sa mga karakter na minahal sa 'Batang Quiapo'

Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi, nabanggit nito ang tungkol sa paglisan niya sa seryeng Batang Quiapo kamakailan.

Ivana Alawi, sa Batang Quiapo: "Ako mismo yung nagpaalam ng maayos"
Ivana Alawi, sa Batang Quiapo: "Ako mismo yung nagpaalam ng maayos" (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Mismong si Ivana na ang nagsalita tungkol sa isyu lalo na at fake news umano ang naglabasan tungkol sa dahilan bakit siya nawala sa serye.

"Marami pa lang nagtatanong dito bakit ako nawala sa Batang Quiapo. Dahil ba ma-attitude ako? Kasi 'di ba may kumalat na fake news? Hindi guys."

Paliwanag ni Ivana, siya mismo ang nagpaalam ng maayos taliwas sa lumabas nga bali-balitang dahil umano ito sa kanyang ipinakikitang ugali sa set.

Read also

Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Actually ako mismo yung nagpaalam ng maayos. Walang attitude, hindi totoo yun. Mga fake news yun na kumalat."
"'Yung totoo po, ako mismo yung tumawag kay tita Cory and kay Coco na hindi ko na kaya kasi nagpatong-patong yung work ko na dapat three months yung taping namin, magwa-one year na kami and thankful naman ako 'dun pero hindi talaga kaya ng trabaho talaga"
"Nagulat kami kasi nga extend kami ng extend. Sobrang ganda ng ratings, sobrang ganda ng story. So thankful ako kasi ang dami kong natutunan sa Batang Quiapo."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: