2 independent contractors ng GMA, nais ipa-dismiss ang reklamo ni Sandro Muhlach
- Nagnanais ang 2 independent contractors ng GMA na ipawalang-bisa ang reklamo ni Sandro Muhlach dahil sa kakulangan ng ebidensya
- Itinanggi nina Jojo Nones at Richard Cruz ang mga paratang ni Sandro ukol sa harassment
- Ayon sa kanilang abogado, ang mga text message mula kay Muhlach mismo ay nagpapakita na siya ang nagkusang magpunta sa hotel room
- Ang National Bureau of Investigation ay nagsimula ng imbestigasyon at itinakda ang pagdinig sa Agosto 9
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nais na ipa-dismiss ng dalawang independent contractors ng GMA Network, Inc. ang pormal na reklamo na isinampa ng Sparkle actor na si Sandro Muhlach, dahil ang ebidensya ng huli ay salungat umano sa kanyang mga paratang.
Ayon sa pahayag na ipinadala sa PhilSTAR L!fe ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham Garduque, natanggap nila ang reklamo ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz para sa sèxúal harassment at binigyan sila ng limang araw upang magbigay ng tugon.
Mariing itinanggi nina Nones at Cruz ang mga akusasyon na nakasaad sa mga dokumentong isinumite ni Sandro.
“In the formal complaint, one of the allegations of Mr. Muhlach was he was lured by our clients to go up to the hotel room. However, his own evidence proves otherwise,” Garduque pointed out. “Based on the text messages, it was Mr. Muhlach who messaged Mr. Nones with ‘Andyan pa ba kayo sir Baka po pwede dumaan saglit haha.’”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinabi ni Garduque sa L!fe na hihilingin ng kanyang mga kliyente na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya upang patunayan ang mga elemento ng sèxúal harassment/sèxúal assault at ang kanyang ebidensya ay salungat daw sa kanyang mga paratang.
Ayon kay Garduque, nakatanggap sila ng subpoena mula sa public corruption division ng National Bureau of Investigation, na nagtakda ng pagdinig para sa imbestigasyon sa Agosto 9 ng hapon.
Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.
Ibinenta ni Niño ang isa sa kanyang mga FAMAS trophies kay Boss Toyo. Ang FAMAS, na nangangahulugang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, ay isa sa mga pinaka-pinapangarap na parangal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sa isang video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang channel na “Pinoy Pawn Stars,” tinanggap ng host ng palabas ang hinihinging presyo ng mga anak ni Niño na sina Xandro at Alonzo na P500K.
Samantala, naibahagi ni Niño sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital. Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong. Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya. Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh