Anak ni Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino, nagdiwang ng kaarawan

Anak ni Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino, nagdiwang ng kaarawan

- Nagdiwang ng ika-17 na kaarawan ang anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino

- Base sa binahaging video clip ni Claudine, sabay nilang pinagdiwang ang kanilang kaarawan noong July 20

- Bahagi ng wish ni Claudine nang magbigay siya ng mensahe ay sana raw ay makasama niya ang anak

- Matatandaang kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan ang isa pa nilang anak na si Sabina at naroon si Raymart

Nagdiwang ng ika-17 na kaarawan ang anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino noong Hulyo 20. Sa isang video clip na ibinahagi ni Claudine sa social media, makikita ang masayang selebrasyon ng kanilang kaarawan.

Sa kanyang mensahe para kay Santino, sinabi ni Claudine na ang kanyang hiling ay ang makasama ang anak nang mas madalas.

Anak ni Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino, nagdiwang ng kaarawan
Anak ni Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino, nagdiwang ng kaarawan
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lamang ay nagdiwang din ng kaarawan ang isa pa nilang anak na si Sabina, at naroon si Raymart upang makisaya. Subalit, hindi malinaw kung naroroon din si Raymart sa kaarawan ni Santino dahil wala ito sa video clip na ibinahagi ni Claudine. May mga netMizens ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi kasama si Raymart sa naturang selebrasyon.

Read also

Yuki Takahashi, ipinaliwanag bakit hindi pa nanganganak si Camille sa Batang Quiapo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate