Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna

Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna

- Ibinibenta na umano ni Rosmar Tan- Pamulaklakin ang kanyang R Mansion and Restobar

- Ito ang laman ng kanyang pinakabagong post

- Aniya, maari pa raw gamitin ng bibili ang pangalan ng lugar

- Matatandaang ito ang pinipilahang pares overload na may unli-swimming sa Laguna

For sale na umano ang R Mansion and Restobar ni Rosmar Tan-Pamulaklakin.

Sa kanyang Facebook post, sinabing maari pa umanong gamitin ng makakabili nito ang pangalan ng lugar.

Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna
Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Matatandaang isa ito ang pinipilahang pares overload sa nasabing lugar na mayroon pang unli-swimming sa mga customers.

Kaya naman laking gulat ng mga nakakita ng post na ngayo'y ipinagbibili na ni Rosmar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nilinaw ni Rosmar na ang lahat ng kanyang staff sa nasabing lugar ay malilipat sa isa pang branch nito sa Tagaytay.

Read also

Diwata, namili ng ipamimigay na mga brand new CP sa masusuwerteng supporters

Narito ang kabuuan ng post:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.

Naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar at Rendon Labador ng Team Malakas. Doon, naidetalye ni Rosmar ang mga isyung kinaharap nila sa pagiging persona non grata nila sa Palawan. Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay.Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.

Read also

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica