Willie Revillame, ipinaliwanag kay Gretchen Ho kung anong klaseng lalake ang may future

Willie Revillame, ipinaliwanag kay Gretchen Ho kung anong klaseng lalake ang may future

- Lantaran ang ginawang "pagpo-propose" ni Willie Revillame kay Gretchen Ho sa programang "Seryosong Usapan: Willie Revillame Faces the Journos"

- Naging aliw ang palitan ng hugot at punchlines nina Willie at Gretchen kasama sina Ed Lingao, Lourd De Veyra, at Patrick Paez

- Pinromote nila ang bagong programa ni Willie sa TV5, ang "Wil To Win," na magsisimula ngayong Linggo, July 14

- Tinanong ni Willie si Gretchen tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, at sinagot ni Gretchen na masaya siyang mag-isa at walang boyfriend

Naging usap-usapan ang lantarang "proposal" ni Willie Revillame sa broadcaster at dating atleta na si Gretchen Ho sa programang "Seryosong Usapan: Willie Revillame Faces the Journos" na napanood sa TV5 kamakailan.

Willie Revillame, dinigahan ng harap-harapan si Gretchen Ho: "Gusto mo tayo na lang?"
Willie Revillame, dinigahan ng harap-harapan si Gretchen Ho: "Gusto mo tayo na lang?"
Source: Youtube

Sa nasabing pagtitipon, nagdulot ng aliw sina Willie Revillame at Gretchen Ho sa kanilang mga komento at biro. Kasama rin sina Ed Lingao, Lourd De Veyra, at Patrick Paez upang itanghal ang bagong programa ni Willie sa TV5 na "Wil To Win," na mag-uumpisa ngayong Linggo, ika-14 ng Hulyo.

Read also

Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"

Sa isang bahagi ng programa, nabanggit ang personal na buhay ni Willie. Biro ni Gretchen, "Huwag na rin akong mag-asawa, ‘no?” na sinagot agad ni Willie ng, "Gusto mo tayo na lang?” Sumunod pa ang biro ni Willie, "E, kasi pati ikaw, nadadamay ka, ayaw mo mag-asawa. Depende, mamaya magustuhan kita, magustuhan mo ako."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humirit naman si Gretchen, "Dapat ba akong umiwas sa mga tulad ninyo?" na sinagot ni Willie ng, "E, ba’t ka iiwas sa tao na may magandang puso? Ba’t ka iiwas sa taong hindi ilegal ang ginagawa? Legal ang ginagawa, mahal ng mga mahihirap. Ba’t ka iiwas sa taong mabuti ang hangarin?"

Nang tanungin ni Gretchen kung paano kung gusto niya ng loyal at committed, birong sagot ni Willie, "Bibigyan kita ng Loyal Tru-Orange."

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano ka-special ang bagong proyekto

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate