Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta

Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta

- Kinaaliwan si Barbie Forteza nang muli ay naging guest host siya sa It's Showtime ngayong araw

- Sa segment na Tawag ng Tanghalan, napakanta si Barbie matapos siyang pakantahin ni Vice Ganda ng awiting 'Meron Ba?'

- Di nagpakabog si Barbie at kumanta nang papikit-pikit pa habang kumakanta ngunit bigla siyang nagulat sa narinig

- Hinampas ni Ryan Bang ang gong na siyang hudyat sa mga kalahok kung sila ay naligwak sa kompetisyon

Kinaaliwan si Barbie Forteza nang muli siyang maging guest host sa It's Showtime ngayong araw. Sa segment na Tawag ng Tanghalan, napakanta si Barbie matapos siyang pakantahin ni Vice Ganda ng awiting 'Meron Ba?'

Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta
Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta
Source: Youtube

Sa kabila ng kanyang kabang nararamdaman, di nagpakabog si Barbie at kumanta nang may kasamang papikit-pikit pa. Lahat ng mga manonood at mga hosts ay natuwa sa kanyang pagpapakita ng talento. Subalit, habang abala si Barbie sa kanyang pag-awit, bigla siyang nagulat sa isang tunog na kanyang narinig. Hinampas ni Ryan Bang ang gong na siyang hudyat sa mga kalahok kung sila ay naligwak sa kompetisyon.

Read also

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

Bagaman na-'gong' si Barbie, ang insidenteng ito ay naging masaya at puno ng tawanan para sa lahat. Maraming netizens ang agad na nag-react sa social media, nagpapahayag ng kanilang saya at aliw sa nangyari.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng dagdag na aliw at saya sa mga manonood ng It's Showtime, at lalo pang nagpatunay sa kakulitan at pagiging game ni Barbie Forteza sa mga challenges na ibinibigay sa kanya.

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Sa nauna niyang vlog, hindi inatrasan ni Barbie ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows.

Hindi pinagkaila ni Barbie na masaya siya sa kanyang love life sa kasalukuyan. Ito ang kanyang naging tugon sa tanong sa kanya ni Bea Alonzo kung masaya siya sa kasalukuyan niyang relationship.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate