Ryzza Mae Dizon, di kinaya ang 'Ignoring Miles prank'

Ryzza Mae Dizon, di kinaya ang 'Ignoring Miles prank'

- Sinubukan ni Ryzza Mae Dizon na deadmahin si Miles Ocampo habang nasa set ng Eat Bulaga

- Ito ay matapos magkomento ang isang follower niya na gawin niya ang Ignoring prank kay Miles

- Gayunpaman, kinalaunan ay agad na nabuko ni Miles na pina-prank siya ni Ryzza

- Hirit ni Miles, sa susunod na magpa-prank siya ay dapat panindigan niya dahil hindi adw kinaya ni Ryzza na hindi siya pansinin

Sinubukan ni Ryzza Mae Dizon na deadmahin si Miles Ocampo habang nasa set ng Eat Bulaga matapos magkomento ang isang follower niya na gawin niya ang Ignoring prank kay Miles.

Ryzza Mae Dizon, di kinaya ang 'Ignoring Miles prank'
Ryzza Mae Dizon, di kinaya ang 'Ignoring Miles prank'
Source: Youtube

Sa kabila ng kanyang pagsisikap, mabilis na nahalata ni Miles na pina-prank siya ni Ryzza. Ayon kay Miles, sa susunod na magpa-prank si Ryzza ay dapat niyang panindigan ito dahil hindi raw kinaya ni Ryzza na hindi siya pansinin.

Read also

Boy Abunda, nagbahagi ng opinyon sa MUP hosting ni Alden Richards: "Sisigaw ka talaga"

Marami ang natuwa at nagbigay ng komento ang mga viewers sa kanilang nakita. Isa sa kanila ay nagsabi na kapag kilala na ang isa't isa at may tiwala sa pagkakaibigan, hindi na kailangang mag-isip ng kung ano pa man. Pinaalala din nito na pareho silang mabait, mapagmahal, humble, at trustworthy na magkakaibigan.

Isa pang komento ang nagsabi na mabait si Miles kahit hindi siya pinapansin ni Ryzza, at nakakatuwa silang panoorin na dalawa. Mayroon din nagsabi na cute sina Miles at Ryzza, at patunay lamang ito na hindi nila kayang magtago ng anumang bagay sa isa't isa dahil kabisado na nila ang ugali ng kanilang kaibigan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang naturang prank ay nagpakita lamang ng kanilang matibay na samahan at pagiging totoo sa isa't isa, na siyang nagustuhan ng maraming manonood.

Read also

Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya"

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.

Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate