Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab Harake sa prank sa kanya

Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab Harake sa prank sa kanya

- Marami ang lalong humanga kay Bobby Ray Parks matapos mapanood ang bagong vlog ni Alex Gonzaga

- Kasama niya ang magkasintahang Ray Parks at Zeinab Harake at napapayag niya si Zeinab na i-prank si Ray

- Sa naturang vlog ay kunwaring nagalit at nagselos si Zeinab dahil sa mga babaeng nagpa-picture kay Ray

- Dahil dito ay minabuti ni Ray na tumanggi na sa mga babae ngunit magalang naman ang kanyang pakikipag-usap sa mga ito

Marami ang lalong humanga kay Bobby Ray Parks matapos mapanood ang bagong vlog ni Alex Gonzaga. Kasama niya ang magkasintahang Ray Parks at Zeinab Harake, at napapayag niya si Zeinab na i-prank si Ray.

Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab Harake sa prank sa kanya
Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab Harake sa prank sa kanya
Source: Youtube

Sa naturang vlog, kunwaring nagalit at nagselos si Zeinab dahil sa mga babaeng nagpa-picture kay Ray. Dahil dito, minabuti ni Ray na tumanggi na sa mga babae ngunit magalang naman ang kanyang pakikipag-usap sa kanila.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Bbinigyan ni Ray ng kasiguraduhan si Zeinab na mahal niya ito. Ang kanyang maayos na paghawak sa sitwasyon at pagpapakita ng respeto sa kanyang kasintahan ang lalong nagpahanga sa mga netizens.

Masaya naman ito nang sabihin sa kanya na na-prank siya dahil aniya ay pasado siya sa pagsubok nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Read also

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate