Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

- Usap-usapan ang naging pahayag ni Willie Revillame sa bagong programa niyang “Wil To Win”

- Dito ay pinuri niya si Coco Martin na inilarawan niya bilang sobrang bait

- Binanggit niya ang buong pamilya daw ni Coco, Julia Montes at mga anak nila

- Matagal nang nilalabas na blind item ang tungkol sa pagkakaroon ng anak daw nina Coco at Julia ngunit walang naging pag-amin o patanggi mula sa kanila

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Willie Revillame sa kanyang bagong programa na “Wil To Win.” Sa kanyang show, pinuri niya si Coco Martin at inilarawan ito bilang sobrang bait na tao.

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila
Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila
Source: Youtube

Pinasalamatan niya ito sa pagbati ni Coco sa kanyang pagbabalik sa kanyang programa.

Bukod dito, binanggit din niya ang buong pamilya ni Coco Martin, kabilang si Julia Montes at ang kanilang mga anak.

Matagal nang nilalabas bilang blind item ang tungkol sa pagkakaroon ng anak nina Coco Martin at Julia Montes.

Read also

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, wala pang naging pag-amin o pagtanggi mula sa kanila tungkol dito. Ang pahayag ni Willie Revillame ay nagdulot ng interes at haka-haka sa publiko, lalo na’t hanggang ngayon ay nananatiling pribado ang personal na buhay ng dalawa.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Read also

Rosmar sa pagsama kay Rendon sa Team Malakas: "Nakikita ko kasi 'yung kabutihan ni Kuya Rendon"

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate