Diwata, nag-house reveal ng kanyang "mansion" sa Quezon City

Diwata, nag-house reveal ng kanyang "mansion" sa Quezon City

- Ipinasilip ni Diwata ang kanyang tahanan sa Quezon City

- Doon, ipinakilala rin niya sa publiko ang kanyang ina na 72-anyos na

- Ipinakita rin ni Diwata ang munting negosyo niya sa kanyang bahay

- Dahil dito, marami lalo ang humanga kay Diwata na sa kabila ng tinatamasang tagumpay, nananatili pa rin itong mapagpakumbaba

Isa sa mga pinakabagong vlog ni Diwata ay ang kanyang house reveal.

Diwata, nag-house reveal ng kanyang "mansion" sa Quezon City
Diwata, nag-house reveal ng kanyang "mansion" sa Quezon City ( Diwata Pares Overload Official)
Source: Facebook

Pagbibiro ni Diwata, matatagpuan umano ito sa isang exclusive village sa Quezon City subalit hindi niya sinabi ang eksaktong lugar.

Bumungad sa kanilang tahanan ang kanyang ina na 72-anyos na. At kahit marami nang negosyo si Diwata, mayroon pa rin itong munting sari-sari store sa harap ng bahay nila.

Kasama din ni Diwata ang ilan pa niyang kaanak na kasa-kasama rin ng kanyang nanay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

Dahil dito, marami ang lalong humanga kay Diwata na nanatiling humble sa kabila ng umaapaw na biyaya ng kanyang natatanggap.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napakasimple mo pa rin Diwata. Kaya ka naman pinagpapala"
"Kaya rin siya swerte kasi mahal na mahal niya nanay niya"
"May sari-sari store pa rin kahit marami na siya business. ang galing mo!"
"Tunay kang Diwata na nanatiling mapagpapakumbaba"
"Ngayon alam ko na bakit ka blessed. Stay humble. We salute you"

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Kamakailan, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Read also

Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Samantala, bahagi pa rin si Diwata ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na ngayon sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica