Jackie Gonzaga, naluha nang mausisa ang sinapit ng kanyang love life

Jackie Gonzaga, naluha nang mausisa ang sinapit ng kanyang love life

- Hindi napigilang maluha ni Jackie Gonzaga nang mausisa siya tungkol sa kanyang love life

- Natanong siya ni Vice kung paano niya nalamang siya ay in love

- Sinundan ito ng tanong kung paano niya nalamang hindi na umano siya mahal ng taong minamahal niya

- Gayunpaman, sinabi ni Jackie na araw- araw niyang sinasabi sa sariling kaya niya ang anumang pinagdaraanan ngayon

Naging emosyonal si Jackie Gonzaga nang matanong siya ni Vice Ganda tungkol sa buhay pag-ibig.

Jackie Gonzaga, naluha nang mausisa ang sinapit ng kanyang love life
Jackie Gonzaga, naluha nang mausisa ang sinapit ng kanyang love life (It's Showtime)
Source: Youtube

Sa segment na Tawag ng Tanghalan, The School showdown, hindi lang ang contestant ang nausisa ni Vice kundi maging ang kanyang alagang si Jackie.

"Ikaw paano mo nalaman na in love ka?" ani Vice kay Jackie.

"Nalaman kong in love ako 'nung excited akong makita siya... Na kahit puyat ka pero gigising kang umaga, mag-aayos ka ta's papasok kang alam mo ng makikita mo siya, mag-aayos ka syempre 'di ba?" sagot ni Jackie.

Read also

Rendon Labador, hindi umano pinagsisihan ang nagawa sa Coron, Palawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinakitaan din ni Jackie ng effort ang taong minahal niya kaya naman daw niya nasabing mahal siya nito.

Gayunpaman, natanong din siya ni Vice kung paano rin nalaman ni Jackie na hindi na umano siya mahal ng kanyang nakarelasyon.

"'Yung nanghihingi ka na ng attention. Kasi 'nung una hindi mo naman hinihingi kusang niyang binibigay. Pero 'nung dumating sa punto na hinihingi mo na, tinatanong mo na, ba't hindi mo ginagawa ba't ayaw mo nang gawin? 'Dun mo nare-realize nung una binigay ng kusa ta's ngayon hinihingi ko na hindi na binibigay," giit pa niya.

"Kasi dami mo nang binigay na pagkakataon pero dumating pa rin sa punto may ginawa pa rin siya para masaktan ka, kahit tinatanggap mo na mga dating pagkakamali tas inulit parin bagay na makakasakit sayo parang sinasadya na ba to o hindi mo lang talaga ako mahal"

Read also

Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noong 2002

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa GMA Network, It's Showtime:

Si Jackie Gonzaga ay nagsimulang dancer sa It's Showtime. Kalaunan, isa na siya sa mga naging host ng programa sa pangangalaga ni Vice Ganda. Kamakailan, gumawa ng ingay si Jackie dahil sa viral 'Water' dance niya umano sa La Union. Samu't sari rin ang natanggap na reaksyon ng publiko ukol dito.

Samantala, isa rin sa pinakaabangang segment ng It's Showtime ang EXpecially For you. Matatandaang isa sa mga naging panauhin nito si Diana ang ex ng R&B singer na si Keith Martin. Sa naturang episode, ipinakilala ni Diana ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Keith.

Kamakailan, gumawa ng kasaysayan ng It's Showtime ang searcher na si Bibe at ex nitong si Dudong ng EXpecially for you. Matapos ang sana'y pilian sa mga searchee, ang pinili pa rin ni Bibe ay ang kanyang ex na si Dudong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica