Maris Racal, nilinaw na walang kinalaman si Anthony Jennings sa breakup nila ni Rico Blanco

Maris Racal, nilinaw na walang kinalaman si Anthony Jennings sa breakup nila ni Rico Blanco

- Ibinunyag ni Maris Racal na hiwalay na sila ng OPM icon na si Rico Blanco matapos ang 5 taon nilang relasyon

- Nilinaw ni Maris na walang kinalaman ang kanyang love team partner na si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay

- Hiniling ni Maris sa publiko na huwag maglabas ng galit o negatibong komento laban kay Rico

- Ibinahagi ni Maris na ang mga ilang linggo matapos ang kanilang paghihiwalay ang pinakamalungkot na yugto ng kanyang buhay

Marami ang nagulat at nasaktan nang ibalita ni actress-singer Maris Racal na hiwalay na sila ng OPM icon na si Rico Blanco. Napaamin si Maris matapos tanungin kung nakikita niya ang sarili niyang ikinakasal kay Rico.

Maris Racal, nilinaw na walang kinalaman si Anthony Jennings sa breakup nila ni Rico Blanco
Maris Racal, nilinaw na walang kinalaman si Anthony Jennings sa breakup nila ni Rico Blanco
Source: Youtube

Sa press conference, hindi na napigilan ni Maris ang kanyang emosyon at inamin ang katotohanan habang may luha sa kanyang mga mata. Sinabi niyang hindi na niya kayang magpanggap at ngumiti sa bawat tanong tungkol kay Rico, lalo na't alam niya ang katotohanan.

Read also

Maris Racal, naiyak nang amining hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Maris at Rico. Bagamat sariwa pa ang sugat, inilarawan ni Maris ang kanilang paghihiwalay bilang isang "maayos at magalang" na proseso.

Nilinaw din ni Maris na walang kinalaman ang kanyang love team partner na si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay. Binigyang-diin niya na si Anthony ay wala sa eksena at hindi kasangkot sa anumang paraan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakiusap si Maris sa kanyang mga tagahanga na unawain ang kanilang sitwasyon, dahil pareho pa rin silang nagdadalamhati ni Rico sa kanilang paghihiwalay.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Melai Cantiveros, thankful dahil natutustusan niya ang gamutan ng amang may cancer

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco ni Maris. Nagdiriwang ng ika-26 na kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate