Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama

Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama

- Ibinida ni Alodia Gosiengfiao ang video kung saan sinusubukan ng kanyang asawa ang pagsuot ng baby carrier

- Nakikinig itong mabuti habang pinapaliwanag ng isang babae ang tamang pagkabit ng carrier

- Hindi maitago sa mukha ni Christopher Quimbo ang kasiyahan at excitement sa pagiging isang ama

- Maririnig din si Alodia na pinupuri ang asawa at sinabihang handa na daw ito

Ibinida ni Alodia Gosiengfiao ang isang nakakatuwang video sa kanyang social media account kung saan makikita ang kanyang asawa na si Christopher Quimbo na sinusubukan ang pagsuot ng baby carrier.

Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama
Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama
Source: Instagram

Sa nasabing video, nakikinig si Christopher ng mabuti habang pinapaliwanag ng isang babae ang tamang paraan ng pagkabit ng baby carrier. Kitang-kita ang kasiyahan at excitement sa mukha ni Christopher habang siya'y naghahanda para sa kanyang magiging bagong papel bilang isang ama.

Maririnig din sa video si Alodia na pinupuri ang kanyang asawa, sinasabihan itong handa na siya para sa pagiging isang ama. Ang kanilang masayang paghahanda ay nagdulot ng kilig at tuwa sa kanilang mga tagahanga na sabik na ring makita ang susunod na kabanata sa buhay ng mag-asawa.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate