Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

- Binahagi ni Jelai Andres ang isang nakakaaliw na video kung saan nakalagay ang caption na love life

- Makikita ang sweet na video clips ni Zeinab Harake at ng kanyang kasintahang si Bobby Ray Parks

- Ibinida niya rin ang ka-sweetan nina Donnalyn Bartolome at boyfriend nitong si JM de Guzman

- Sa huling bahagi ng video ay kasama niya ang kanyang aso na kasalo niya sa ice cream

Nagbahagi si Jelai Andres ng isang nakakaaliw na video sa kanyang social media account, na may caption na "love life," na agad nagdulot ng kasiyahan at tawanan sa kanyang mga followers.

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn
Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn
Source: Instagram

Sa video, ipinakita ni Jelai ang sweet na mga clips ng kanyang mga kaibigang sina Zeinab Harake at ang kasintahan nitong si Bobby Ray Parks. Kitang-kita ang pagmamahalan ng dalawa habang sila ay magkasamang nag-eenjoy sa kanilang mga bonding moments.

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama

Bukod pa rito, ibinida rin ni Jelai ang ka-sweetan ng isa pa niyang kaibigang si Donnalyn Bartolome at ang boyfriend nitong si JM de Guzman. Sa mga clip na kasama sa video, makikita ang masasayang sandali ng dalawa, na puno ng lambingan at tawa.

Sa huling bahagi ng video, nagkaroon ng twist nang ipakita ni Jelai na kasama niya ang kanyang alagang aso na kasalo niya sa pagkain ng ice cream. Ang eksenang ito ang nagdulot ng maraming tawanan at positibong reaksyon mula sa kanyang mga followers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga nagkomento si Donnalyn na nagsabing, "Wahahahhahahahaha parang sarap kumiss ng dog mo ahh," na lalong nagpasaya sa mga nakapanood.

Naging usap-usapan din ang post na ito dahil naalala ng marami ang naging masalimuot na paghiwalay ni Jelai sa dati niyang asawang si Jon Gutierrez, anim na buwan lamang matapos silang ikasal. Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Jelai, makikita sa kanyang mga post na patuloy siyang nagiging positibo at nagdadala ng kasiyahan sa kanyang mga kaibigan at followers.

Read also

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate