Jiro Manio, ibinida ang mga pangnegosyong binigay sa kanya ni Rosmar

Jiro Manio, ibinida ang mga pangnegosyong binigay sa kanya ni Rosmar

- Ibinahagi ng dating aktor na si Jiro Manio ang pangnegosyong pinadala sa kanya ni Rosmar

- Binanggit din niya ang halaga ng lahat ng mga produkto bilang kanyang panimula

- Matatandaang nag-viral ang sinasabing paghingi ng tulong ni Jiro kay Rosmar

- Sa pamamagitan ni Ogie Diaz, nalamang pekeng Jiro ang kausap ni Rosmar at sa vlog ni Julius Babao, nakausap niya ang totoong Jiro Manio

Agad na nagpasalamat ang dating aktor na si Jiro Manio kay Rosmar Tan nang matanggap niya ang mga pangnegosyong padala nito.

Jiro Manio, ibinida ang mga pangnegosyong binigay sa kanya ni Rosmar
Jiro Manio, ibinida ang mga pangnegosyong binigay sa kanya ni Rosmar (Facebook | Jiro Manio/ Jiro Katakura)
Source: Facebook

Sa post ni Jiro, nabanggit din niyang Php50,000 umano ang halaga ng produktong binigay ni Rosmar upang maging panimula nito sa negosyo.

"Galingan mo Jiro... Diyan din ako nagsimula naniniwala ako na makakabangon ka," ang caption naman ng repost ni Rosmar.

Matatandaang nag-viral ang umano'y paghingi ng tulong ni Jiro kay Rosmar. Kalaunan, napag-alaman nilang hindi ang totoong Jiro Manio ang nakaka-chat ni Rosmar. Ipinarating ito ni Ogie Diaz na nakausap mismo ang totoong Jiro.

Read also

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, sa vlog kamakailan ni Julius Babao, nagkaroon ng pagkakataong makilala ni Rosmar ang totoong Jiro na agad niya noong inabutan ng paunang tulong.

Doon nasabi niyang magpapadala nga ng mga pangnegosyo na ngayo'y tinupad niya rin.

Si Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico.'

Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Ai-ai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos umano itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.

Enero ng kasalukuyang taon nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk. Doon nabanggit ni Jiro na hindi umano siya basta-basta makakabalik sa showbiz. Ito ay dahil sa binawalan pa rin daw siya ng kanyang doktor sa rehab. Aniya, patuloy pa rin umano ang pag-inom niya ng gamot sa mga panahong iyon at maari lamang magdulot ng stress kung magiging kabi-kabila na naman ang proyekto niya sa showbiz. Gayunpaman, may ilang tinanggap na proyekto si Jiro tulad ng paglabas sa ilang music video ng bandang Lily.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica