Stell Ajero, sinagot ang tungkol sa naging pahayag ni Raquel Pempengco

Stell Ajero, sinagot ang tungkol sa naging pahayag ni Raquel Pempengco

- Hindi naman daw nasaktan si Stell Ajero sa naging pahayag ni Raquel Pempengco, ina ni Jake

- Naiintindihan daw niya na para sa mga mata ng nanay anak nila ang pinakamagaling

- Hinimok niya ang mga fans na kung kaya naman huwag nang pumatol ay huwag na lang pansinin

- Hirit pa niya, sa mata ng kanyang nanay ay siya naman ang pinakamagaling

Sinagot ni Stell Ajero ang mga pahayag ni Raquel Pempengco kaugnay sa kanyang talento at pagkumpara sa kanya kay Charice, na kilala ngayon bilang si Jake Zyrus. Sa panayam ni Ogie Diaz, inihayag niya ang kanyang saloobin.

Stell Ajero, sinagot ang tungkol sa naging pahayag ni Raquel Pempengco
Stell Ajero, sinagot ang tungkol sa naging pahayag ni Raquel Pempengco
Source: Youtube

Ayon kay Stell Ajero, bawat artista ay may kanya-kanyang galing at hindi dapat magkumpara. Tinukoy niya na totoo nga na pareho silang pinansin ni David Foster, ngunit ginawa lamang niya ang kaya niyang gawin sa mga oras na iyon.

Read also

Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M

Hindi umano nasaktan si Stell sa mga sinabi ni Raquel Pempengco. Naiintindihan daw niya na sa mga mata ng isang ina, ang kanyang anak ang pinakamahusay.

Dagdag pa ni Stell, hindi niya masisi si Raquel sa kanyang opinyon, ngunit hindi niya gusto ang pagpapalaganap ng negatibong pag-uusap laban sa iba.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natutuwa rin daw si Stell na na-recognize siya nito, at wala siyang problema sa mga sinabi ni Raquel.

Hinimok niya ang kanyang mga tagasuporta na huwag nang pumatol sa negatibo at huwag pansinin ang mga ito. Hirit pa niya, sa mga mata ng kanyang nanay, siya naman ang pinakamahusay.

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Read also

Kim Chiu, natanong kung paano niya hinarap ang kabiguan sa buhay

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel