Ivana Alawi, nabatukan ng kanyang mama dahil sa kanyang prank

Ivana Alawi, nabatukan ng kanyang mama dahil sa kanyang prank

- Kinaaliwan ang prank ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya kung saan may pa-premyo pa siyang P100,000

- Sa video na binahagi niya sa TikTok, pinahulaan niya sa kanyang mga kapatid at mama ang ilan sa mga logo ng sikat na mga produkto

- Gayunpaman, ang twist ay iba ang nakasulat na pangalan sa nakatakip na bahagi ng logo kaya hindi nila nahulaan

- Bukod-tanging si Mona ang nakahula sa kanyang pinahulaang logo at agad niyang kinuha ang pera habang hinabol naman siya ni Ivana

Nag-viral ang isang video ni Ivana Alawi kung saan siya ay nabatukan ng kanyang mama matapos ang kanyang prank na may kasamang pa-premyo na P100,000 para sa kanyang pamilya.

Ivana Alawi, nabatukan ng kanyang mama dahil sa kanyang prank
Ivana Alawi, nabatukan ng kanyang mama dahil sa kanyang prank
Source: TikTok

Sa naturang video na ibinahagi ni Ivana sa TikTok, pinahulaan niya ang kanyang mga kapatid at sa mama niya ang ilang sikat na mga logo ng mga produkto. Gayunpaman, ang twist ay iba ang nakasulat na pangalan sa nakatakip na bahagi ng logo kaya hindi nila ito nahulaan.

Read also

Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak

Nakakuha lamang ng tamang sagot si Mona, ang bunso niyang kapatid, na agad na kinuha ang premyo. Ipinakita sa video ang eksena kung saan hinabol ni Ivana si Mona habang ito ay nagmamadaling kunin ang pera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel