Bea Borres, nawindang sa netizen na nanghingi sa kanya ng pera pampagawa ng bahay

Bea Borres, nawindang sa netizen na nanghingi sa kanya ng pera pampagawa ng bahay

- Nagulantang si Bea Borres sa isang netizen na nanghingi ng pera para sa pampagawa ng bahay

- Ibinahagi ni Bea sa social media ang kanyang pagkadismaya sa mga abusadong mensahe

- Sinabi ni Bea na sinusubukan niyang makatulong ngunit nalulungkot siya sa maling mindset ng iba

- Maraming humihingi sa kanya ng iba't ibang bagay ngunit hindi tunay na sumusuporta

Nagulantang si Bea Borres matapos makatanggap ng mensahe mula sa isang netizen na humihingi ng pera para sa pampagawa ng bahay. Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Bea ang kanyang pagkadismaya sa naturang insidente.

Bea Borres, nawindang sa netizen na nanghingi sa kanya ng pera pampagawa ng bahay
Bea Borres, nawindang sa netizen na nanghingi sa kanya ng pera pampagawa ng bahay
Source: Facebook

Ayon kay Bea, may isang TikTok trend na kumakalat at bagamat nakapili na siya ng winner, patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng maraming mensahe. Ipinahayag niya na ang mensaheng natanggap niya mula sa netizen na humihingi ng pera para magpatayo ng bahay ay isang halimbawa ng pagiging abusado.

Read also

Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"

Sinabi ni Bea na sinusubukan niyang makatulong sa abot ng kanyang makakaya, ngunit nakakalungkot daw na may mga taong may maling pag-iisip na manlimos. Dagdag pa niya, marami raw ang humihingi sa kanya ng iba't ibang bagay tulad ng damit, iPhone, at pera, ngunit hindi naman tunay na sumusuporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinakita rin ni Bea ang screenshot ng mensahe ng netizen na nagsasabing nakikitira lang sila at kailangan ng pera para magpatayo ng bahay. Binanggit ni Bea na nais niyang tumulong, ngunit kailangan din aniya na magpakita ng tamang paggalang at huwag maging abusado.

Si Bea Borres ay isa sa malapit na kaibigan ni Andrea Brillantes. Kabilang siya sa teleseryeng Kadenang Ginto. Isa din siya sa kilala bilang ABCD girls na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Criza Taa at Danica Ontengco.

Read also

Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak

Matatandaang sinagot ni Ricci Rivero ang post ng kaibigan ni Bea sa X noong kasagsagan ng isyu matapos niyang isapubliko ang relasyon niya kay Leren Mae Bautista. Sa tweet ni Bea, sinabi nito na maging sa hard launch ay puro daw nagmamalinis. Hinamon niya ito kung gusto daw ba niyang maglabasan sila ng labada. Sinagot niya rin ang isang netizen na pumuna sa pagpatol daw niya sa babae.

Samantala, naibahagi ni Bea kay DJ Jhaiho sa kanilang YouTube show na Marites University na nagkokonsulta na siya sa kanyang abogado. Kaugnay ito sa naging tweet ni Ricci kung saan sinagot nito ang tweet ni Bea na walang binabanggit na pangalan. Ang tweet ni Bea ay tungkol sa aniya'y nagmamalinis kahit sa hard launch nito. Diretsahan naman siyang sinagot ni Ricci at hinamon na maglabasan daw sila ng labada.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel