Standee ni BINI Sheena, nabalik na: fan na kumuha, may mensahe
- Naibalik na ang nawalang standee ni BINI Sheena Catacutan
- Minsan itong naipanawagan ni Direk Lauren Dyogi gayung nawala ito noong BINI day
- May ipinarating namang mensahe ang nakakuha nito na buong puso itong ibinalik
- Marami ang excited na umano sa 3-day concert ng BINI sa darating na June 28-30
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naisauli na ang nawawalang standee ng BINI member na si Sheen Catacutan.
Sa mismong BINI_ph Facebook page, ibinahagi ni Diren Lauren Dyogi ang mga kaganapan paano naibalik ang minsan na niyang ipinanawagan na nawalang standee.
Isang fan na nagpakilalang Eli ang umano'y nakausap ng totoong kumuha ng standee.
Aniya, noong BINI run pa niya nakausap si Direk Lauren at sinabing nakipag-ugnayan ang isa ring fun na kumuha nito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagpadala rin ng mensahe ang fan na ito na humingi ng tawad sa pagkuhang kanyang ginawa.
Paalala ni Dirke Lauren na bagama't maari silang magpagawa uli nito, pakatandaang mali pa rin ang kumuha ng bagay na hindi sa iyo.
Gayunpaman, masaya silang naibalik ang standee bago ang tatlong araw na major concert ng BINI na gaganapin Hunyo 28 hanggang 30.
Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Isa sa mga maituturing na fan ng grupo ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Minsang naibahagi ni Direk Lauren Dyogi ang video ng pagkikita nina Sarina at kanyang paboritong PPop group. Sa kalalabas na video ni Sarina, hiniling nitong mapanood ang concert ng BINI subalit 7-anyos pataas lamang ang pwedeng dumalo. Kaya namang tuwang-tuwa siya nang makita ang mga ito sa isang event sa Makati.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh