Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

- Nausisa si Melai Cantiveros- Francisco kung tatanggapin ba niya ang role na maging Ina Montecillo

- Ito ang pamosong karakter ni Ai-Ai Delas Alas sa pelikula niyang 'Tanging Ina'

- Sa kanyang sagot, masasabing malaki umano ang respeto ni Melai sa iba pang mga naunang babaeng komedyante sa kanya

- Madaragdagan na naman muli ang show ni Melai bukod sa Magandang Buhay at ang magbubukas na Pinoy Big Brother

Sa media conference ng bago niyang programang 'Kuan on One', isa sa mga naitanong kay Melai ay ang tungkol sa role ni 'Ina Montecillo' ng pelikulang Tanging Ina.

Melai, sakaling i-remake ang Tanging Ina: "basta walang ma-hurt na tao"
Melai, sakaling i-remake ang Tanging Ina: "basta walang ma-hurt na tao" (AiAi Delas Alas/ Melai Cantiveros- Francisco)
Source: Facebook

Matatandaang naging usap-usapan ito kamakailan dahil sa bidang si Ai-Ai Delas Alas na hindi na umano umaasang magkakaroon pa ng reunion movie ang kanyang pelikula.

Kaya naman marami ang naiintriga na kung sakaling matuloy ang naturang pelikula, isa sa maaring gumanap ay si Melai.

Read also

Ogie Diaz, may bagong mensaheng nais iparating kay Diwata

"Kung i-offer sa'kin, why not? Sobrang happy pero hindi natin i-bypass si Ms. Aiai delas Alas kasi siya talaga ang ating Queen of Comedy," paglilinaw ni Melai na maaring pumayag siyang gawin ang pelikula ngunit hindi para palitan ang titulo ni Ai na Queen of comedy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dami niya nang napatunayan. Nandiyan pa sina Ate Pokey (Pokwang), sina Eugene Domingo," ayon kay Melai na nagpapakita umano ng respeto sa mga nauna sa kanyang komedyanteng babae.

"Kaya kung i-kuan, why not pero wala tayong mga hurt na mga tao," giit pa niya.

Nagbiro pa si Melai na sakaling gagawa siya ng pelikula, maiiba nalang ang title nito.

"Gawa na lang tayo ng sarili natin. 'Kuan Ng Ina,' char char lang."

Samantala, narito ang kabuuan ng naturang mediacon na ginanap nitong Hunyo 25:

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang tanong ng netizens ukol kay Bea Alonzo

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Kamakailan, gumulantang sa publiko ang naging rebelasyon ni Melai patungkol sa tumubong bukol sa kanyang dibdib. Milagrong maituturing ito ni Melai gayung tanging Diyos lang ang naging kasangga niya sa panahong iyon. Naniniwala siyang dala ng dasal at tiwala sa Panginoon, tuluyan nang nawala ang bukol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica