Charlie Dizon, kinagiliwan sa umano'y closeness nito sa anak ni Carlo Aquino

Charlie Dizon, kinagiliwan sa umano'y closeness nito sa anak ni Carlo Aquino

- Kinagiliwan ng marami ang mga larawan ni Charlie Dizon na karga ang anak ni Carlo Aquino na si Mithi

- Espekulasyon ng marami na ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Carlo na maipakilala na si Mithi kay Charlie

- Kitang-kita na tila mabilis na nakasundo ni Mithi si Charlie

- Matatandaang sa interview ni Ogie Diaz sa ina ni Mithi na si Trina Candaza, may ilan itong nasabing kondisyon kung nais makapiling ni Carlo ang kanilang anak

Mabilis na nag-viral ang mga larawan nina Charlie Dizon, Carlo Aquino at anak nitong si Mithi.

Charlie Dizon, kinagiliwan sa umano'y closeness nito sa anak ni Carlo Aquino
Charlie Dizon, kinagiliwan sa umano'y closeness nito sa anak ni Carlo Aquino (Charlie Dizon)
Source: Facebook

Sa mga larawang naibahagi ng Instagram user na si @charliecuties_ makikita ang ilang kuha na nagpapatunay na nakakasama na nga ni Mithi si Carlo at maging si Charlie.

Makikitang halos madalas karga ni Charlie si Mithi at makikita rin na tila madali na niya itong nakagaanan ng loob.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Matatandaang kamakailan, isang larawan din ang naibahagi ni Carlo kung saan may kargang batang babae si Charlie subalit ito'y nakatalikod.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, espekulasyon ng marami na ang batang ito ay si Mithi.

Subalit ngayon, mas malinaw sa mga naibahaging larawan na talagang si Mithi na nga ang kasama nina Carlo at Charlie sa kanilang family bonding.

Narito ang naturang mga larawan na naibahagi rin ng Kapamilya Online World:

Si Carlo Jose Liwanag Aquino o mas kilala bilang si Carlo Aquino ay isang aktor at musician sa Pilipinas. Unang nakilala niya ang husay sa pag-arte sa pelikulang Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa? kung saan nakasama niya ang Star for all seasons na si Vilma Santos. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni carlo ang pelikulang "Third World Romance" kung saan kasama niya ang naging nobya at ngayo'y misis na niya na si Charlie Dizon.

Read also

Bimby, naghayag ng kanyang pasasalamat sa panalangin para sa kanyang mama

Matatandaang sa media conference ng kanilang pelikulang ito, nabanggit na ni Carlo ang umano'y mga plano nila ni Charlie na magkasama tulad ng pagkakaroon umano ng pamilya. Paliwanag ni Carlo, isa naman talaga ito sa goal sa pagpasok sa relasyon, ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay.

Samantala, kamakailan lamang ay nabalikan ng ilang netizens ang naging interview ni Ogie Diaz kay Trina Candaza, ang ina ni Mithi. Doon nagbigay siya umano ng ilang kondisyon sa tuwing nais na makapiling ni Carlo ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica