Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

- Binalikan ng netizens ang naging interview ni Ogie Diaz kay Trina Candaza

- Lalo na ang bahagi kung saan nabanggit nito ang 'pagpapakasal' ni Carlo Aquino

- Doon nasabi rin na ayaw niyang sakaling hihiramin ni Carlo ang anak, wala sana itong kahati ng oras

- Nitong Hunyo 9, gumulantang sa publiko ang kasalan nina Carlo Aquino at Charlie Dizon

Matapos na ikasal ang aktor na si Carlo Aquino sa kanyang 'Third World Romance' co-star na si Charlie Dizon, binalikan ng netizens ang naging interview noon ni Ogie Diaz kay Trina Candaza na ipinalabas sa pagbubukas ng taong 2023.

Trina Candaza
Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Si Trina ang ex-partner ni Carlo kung saan nagkaroon sila ng anak na si Enola Mithi.

Sa naturang interview, nabanggit ni Trina ang ilan umanong kondisyon niya noon sa paghiram ni Carlo ng kanilang anak.

"Ang sa'kin lang Mama Ogs, kapag kukunin sa'kin si Mithi gusto ko si Mithi lang sana."

Read also

Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mamili siya kung kanino niya i-spend 'yung time niya. Sa daughter niya, i sa new girl niya or sa friends niya."

"Kasi I think Mithi doesn't deserve na may kahati sa time. Since minsan na lang naman niya makasama ang daddy niya," paliwanag ni Trina.

Binanggit din nito ang pagkakataong sakaling ikasal na si Carlo, doon lamang siya papayag na ipakilala ang anak sa pinakasalan nito.

"Saka respect nalang din siguro sa'kin mama Ogs na huwag mo nang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner."
"If ever man na dumating ang panahon may papakasalan na siya, siguro 'yun kailangan na namin magkita-kita. Hahayaan ko na silang mag-bonding kasi 'yun na 'yung tatayong pangalawang nanay ni Mithi"

Read also

Alex, may mensahe sa rider na napagkamalan silang mag-asawa na sina Toni G at James Yap

Narito ang kabuuan ng naturang interview mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube:

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino. Nabiyayaan sila ng isang supling si Enola Mithi na tatlong taong gulang na.

Matatandaang sa 3rd birthday pa ni Mithi, naging kontrobersyal ang hindi pagsipot ni Carlo. Sa mga naunang birthday kasi nito, kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay nakadalo pa noon si Carlo alang-alang sa anak.

Marami rin ang naantig ang puso sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Trina sa pagbubukas ng taong 2023. Isa na rito ang paglilinaw ni Trina tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag noon ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica