Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown

Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown

- Matapos ang kanilang kasal, nagbigay ng detalye si Viy Cortez tungkol sa kanyang wedding gown

- Ang couturier nitong si Leo Almodal nagkumpirma kung ilang swarovski crystals ang nagamit sa bonggang gown ni Viy

- Nabanggit din nito kung ilang kilo ang gown na hindi ininda ni Viy ang bigay dahil dream come true para ito sa kanya

- Noong Hunyo 17, ikinasal ang popular na content creators ng Team Payaman na sina Cong Velasquez at Viy Cortez

Nagbigay ng detalye si Viy Cortez at ang Filipino couturier na si Leo Almodal ukol sa bonggang wedding gown nito.

Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown
Viy Cortez, nagbigay ng detalye tungkol sa bonggang wedding gown (VIYLine Media Group/ Nice Print Photo)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng VIYLine Media Group, nakwento ni Viy na-inspire at sobrang nagandahan umano siya sa gown ni Ara Mina. Kay naman nang pumili siya ng wedding gown, siniguro niyang ang gagawa nito ay ang designer ng bonggang gown ni Ara na si Leo.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

"It's more than a million swarokski crystals nandu'n sa damit niya. It's 25 kilos," ani Leo tungkol sa gown ni Viy na bagama't may kabigatan, hindi niya ito ininda dahil dream come true umano ito para sa kanya.

Tinatayang nasa tatlong buwan daw ito ginawa ng 30 na katao kasama na ang mismong couturier nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sa totoo lang, naiiyak talaga ako. Nagulat ako, first time ko kasi siyang nasuot. Pero sobrang happy ko. And 'nung nandito kami, triny-try ko siya. Sa dami ng bato 'nun, 'di ko na alam kung hindi pa siya maiyak saka masilaw," pahayag ni Viy na patungkol din sa posibleng maging reaksyon ni Cong sa kanyang bonggang gown.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang 11 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Ikinasal siya sa vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez noong Hunyo 17.

Read also

EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito

Noong Hulyo ng taong 2022, isinilang ni Viy ang first baby nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez na tinatawag nila ngayong "Kidlat".

Bukod sa pagbibigay saya sa kanilang fans at followers, hinahanggaan din sina Viy at Cong sa tahimik na pagbibigay tulong nila sa mga kababayan nating nasasalanta ng mga kalamidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica