Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

- Marami ang umano'y naintriga sa naging IG story ni Carlo Aquino

- Isa itong Japanese phrase na tila nabigyang kahulugan agad ng mga nakabasa

- Matatandaang nabalot pa rin ng kontrobersya at intriga ang kasalan nina Carlo at Charlie Dizon

- Gayunpaman, marami sa kanilang mga kaibigan at kaanak ang labis na natuwa sa pag-iisang dibdib ng dalawa

Naging agaw-eksena sa social media ang naging Instagram story ng aktor na si Carlo Aquino.

Carlo Aquino, may nakakaintrigang post na isang Japanese phrase
Carlo Aquino (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Isa umano itong Japanese phrase na may pakahulugan na "nothing can be done about it".

Matatandaang sa kabila ng sayang dulot ng kanilang kasalan ng aktres na si Charlie Dizon, hindi pa rin umano ito nakawala sa intriga at kontrobersiya.

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Carlo na naibahagi rin ng The Scoop:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Alex, may mensahe sa rider na napagkamalan silang mag-asawa na sina Toni G at James Yap

Si Carlo Jose Liwanag Aquino o mas kilala bilang si Carlo Aquino ay isang aktor at musician sa Pilipinas. Unang nakilala niya ang husay sa pag-arte sa pelikulang Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa? kung saan nakasama niya ang Star for all seasons na si Vilma Santos. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni carlo ang pelikulang "Third World Romance" kung saan kasama niya ang naging nobya at ngayo'y misis na niya na si Charlie Dizon.

Matatandaang sa media conference ng kanilang pelikulang ito, nabanggit na ni Carlo ang umano'y mga plano nila ni Charlie na magkasama tulad ng pagkakaroon umano ng pamilya. Paliwanag ni Carlo, isa naman talaga ito sa goal sa pagpasok sa relasyon, ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay.

Minsan nang naging emosyonal sina Carlo at Charlie sa programang Magandang Buhay nang mapag-usapan nila ang kanilang relasyon. Paliwanag ng aktor, ramdam niyang mahal siya talaga ni Charlie at hindi pa raw umano siya na-in love nang tulad ng nararamdaman niya sa aktres. Samantala, nilarawan naman ni Charlie na 'biggest surprise' ang relasyon nila na ito ni Carlo na aminado siyang pinipigilan pa niya noon.

Read also

Toni Gonzaga, agad na naluha sa kwento ng ama ng triplets na namatayan ng misis

Samantala, isang araw bago ang kanyang pag-iisang dibdib kay Carlo, nakamit ni Charlie ang best actress award mula sa 47th Gawad Urian. Ito ay para sa pelikulang pinagsamahan nila ng kanya na ngayong mister na si Carlo, ang 'Third World Romance.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica