Ryan Bang, ibinida ang video ng pagkikita ng magulang nila ng girlfriend

Ryan Bang, ibinida ang video ng pagkikita ng magulang nila ng girlfriend

- Ipinakita ni Ryan Bang ang unang pagkakataon na nagkita ang kanyang mga magulang at ang magulang ng girlfriend niyang si Paola Huyong

- Nagkaroon sila ng dinner kung saan may binigay pang regalo ang pamilya ni Paola bilang token of family and friendship ng kanilang pamilya

- Bukod sa kanilang dinner, nilibot din ni Ryan ang pamilya ni Paola sa iba't-ibang pasyalan

- Marami sa viewers ng YouTube channel ni Ryan ang naghayag ng kanilang kasiyahan para kay Ryan at Paola

Ibinahagi ng TV host at komedyanteng si Ryan Bang ang espesyal na sandali ng pagkikita ng kanilang mga pamilya sa kanyang YouTube channel. Sa unang pagkakataon, nagtagpo ang mga magulang ni Ryan at ang mga magulang ng kanyang girlfriend na si Paola Huyong.

Ryan Bang, ibinida ang video ng pagkikita ng magulang nila ng girlfriend
Ryan Bang, ibinida ang video ng pagkikita ng magulang nila ng girlfriend
Source: Instagram

Nagkaroon ng masayang dinner kung saan nagbigay pa ng regalo ang pamilya ni Paola bilang simbolo ng pagkakaibigan at pagkakaisa ng kanilang pamilya. Ang nasabing dinner ay naging daan upang mas lalong magkalapit ang dalawang pamilya.

Read also

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

Bukod sa dinner, inilibot din ni Ryan ang pamilya ni Paola sa iba't-ibang magagandang pasyalan. Ang masayang pagkikita at pamamasyal ay kitang-kita sa mga video na ibinahagi ni Ryan sa kanyang channel, na agad namang nagdulot ng kasiyahan sa kanyang mga viewers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa mga tagasubaybay ng YouTube channel ni Ryan ang nagbigay ng kanilang suporta at pagbati sa masayang kaganapan sa buhay nina Ryan at Paola. Sa kanilang mga komento, ipinahayag nila ang kanilang kasiyahan at pag-asa na magpatuloy ang magandang relasyon ng dalawang pamilya.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Diwata, ibinida ang ikatlong award na natanggap ngayong buwan

Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel