Kim Chiu, napagtripan ng co-hosts sa kanyang linyang "Sino ang bumitaw?"

Kim Chiu, napagtripan ng co-hosts sa kanyang linyang "Sino ang bumitaw?"

- Muling napagkaisahan si Kim Chiu ng kanyang co-hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro sa Expecially For You segment ng 'It's Showtime' ngayong araw

- Sa pagsisimula ng segment ay kanya-kanyang linya ang hosts bago tuluyang ipakilala ang kalahok sa naturang segment

- Ang paunang linyang sinabi ni Kim ay "Sino ang bumitaw?" na agad namang naging dahilan upang mag-react ang kanyang co-hosts

- Tinanong nila si Kim kung sino nga daw ba at marami raw naririnig si Vice Ganda at sanga-sanga na

Sa isang masayang episode ng It's Showtime ngayong araw, muli na namang napagtripan ng mga co-hosts si Kim Chiu sa kanilang segment na Expecially For You.

Kim Chiu, napagtripan ng co-hosts sa kanyang linyang "Sino ang bumitaw?"
Kim Chiu, napagtripan ng co-hosts sa kanyang linyang "Sino ang bumitaw?"
Source: Facebook

Sa pagsisimula ng segment, bago pa man ipakilala ang kalahok ay may kanya-kanyang linya ang mga hosts kabilang na si Kim Chiu. Ang unang linyang binitiwan ni Kim ay "Sino ang bumitaw?", na agad namang nagdulot ng reaksyon mula sa kanyang mga kasama sa programa.

Read also

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

Pabirong nagtanong si Vice Ganda, sabay sambit na marami siyang naririnig na usap-usapan, samantalang patuloy na nagtatanong din si Jhong Hilario at Vhong Navarro kay Kim.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Kim na binasa lamang niya ang linya na ibinigay sa kanya. Sumunod pa niyang binanggit ang linyang "Sino ang sumuko?", na nagbigay-daan sa pangalawang pagtatanong ng kanyang mga kasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinawanan na lamang ni Kim ang kanyang kasamahan habang tuloy-tuloy sa kanyang pagdeliver sa kanyang linya.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Anak ng yumaong si 'Lolo Pops', humiling ng tulong sa pagpapalibing sa mga magulang

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate