Paolo Contis, hindi na rin naka-follow kay Yen Santos

Paolo Contis, hindi na rin naka-follow kay Yen Santos

- Hindi na rin naka-follow si Paolo Contis sa Instagram account ni Yen Santos

- Matatandaang naunang nag-unfollow si Yen sa kanya at nawala na rin ang naka-post na picture nilang dalawa sa account ni Yen

- Gayunpaman, sa kabila nito ay nanatiling naka-follow pa si Paolo

- Sa mga naunang panayam ay umiwas si Paolo at hindi sinagot ang mga tanong kaugnay sa napabalitang paghihiwalay nila

Matapos ang pag-unfollow ni Yen Santos kay Paolo Contis sa Instagram, ngayon ay hindi na rin naka-follow si Paolo sa Instagram account ni Yen.

Paolo Contis, hindi na rin naka-follow kay Yen Santos
Paolo Contis, hindi na rin naka-follow kay Yen Santos
Source: Instagram

Noong una, nag-unfollow si Yen kay Paolo at nawala na rin ang naka-post na larawan nila dalawa sa kanyang account kasunod ng kanyang mga cryptic posts. Wala naman itong nilabas na pahayag kaugnay sa kanila.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pangyayari, nanatiling naka-follow si Paolo sa account ni Yen.

Read also

Rosmar, personal na nag-abot ng tulong sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge

Matatandaang sa mga panayam, umiwas si Paolo na sagutin ang mga tanong tungkol sa napabalitang paghihiwalay nila, na nagpapahiwatig ng hangaring panatilihin ang kanilang personal na buhay na pribado.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate