Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'

- Nagdiwang si Bobby Ray Parks ng kanyang unang Father's Day at nagpasalamat sa mainit na pagbati mula kay Zeinab Harake

- Sa Instagram Story ni Zeinab, ipinost niya ang larawan ni Ray kasama ang kanilang mga anak na sina Bia at Lucas, kasama ang mensaheng puno ng pagmamahal para kay Ray

- Nagpahayag si Ray ng kanyang pasasalamat sa mag-iina sa kanyang unang Father's Day

- Aniya, naging espesyal para sa kanya ang araw na ito na tinuturing niyang hindi malilimutang karanasan bilang ama

Nagdiwang ng kanyang unang Father's Day si Ray Parks sa pagtanggap ng mainit na pagbati mula kay Zeinab Harake, na ipinahayag ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa pagiging ama ni Ray.

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'
Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Zeinab Harake ang isang napakagandang larawan nina Ray kasama ang kanilang mga anak na sina Bia at Lucas. Kasabay nito ang isang mensahe na puno ng pag-ibig para kay Ray. "Happy Father's day daddy Ray! We love you so much. Thank you for being the best daddy," ani Zeinab.

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

Sa kanyang bahagi, nagpahayag naman si Ray ng kanyang pasasalamat sa mag-iina sa espesyal at memorable na pagdiriwang.

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'
Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's Day'
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Thank you for making my first Father's Day truly memorable and special. I love y'all so much," sabi ni Ray sa kanyang post.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Nagbahagi ng post si Zeinab Harake para sa kaarawan ng anak niyang si Bia na nagdiriwang ng kanyang ika-3 kaarawan. Sa kanyang post ay ibinida ni Zeinab ang mga pictures nilang mag-ina kalakip ng kanyang mensahe. Pinangako niya sa anak na aalagaan niya, mamahalin at papalakihing maayos si Bia. Inihayag din niya na palagi siyang handang sumuporta sa kanyang anak.

Read also

Lian Paz, binahagi ang mensahe para kay John Cabahug ngayong Father's Day

Nagbahagi ng post si Zeinab Harake para sa kaarawan ng anak niyang si Bia na nagdiriwang ng kanyang ika-3 kaarawan. Sa kanyang post ay ibinida ni Zeinab ang mga pictures nilang mag-ina kalakip ng kanyang mensahe. Pinangako niya sa anak na aalagaan niya, mamahalin at papalakihing maayos si Bia. Inihayag din niya na palagi siyang handang sumuporta sa kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel