Lian Paz, binahagi ang mensahe para kay John Cabahug ngayong Father's Day

Lian Paz, binahagi ang mensahe para kay John Cabahug ngayong Father's Day

- Ipinahayag ni Lian Paz ang kanyang matinding pagmamahal kay John Cabahug sa isang nakakaantig na Father's Day message

- Sa kanyang mensahe, pinuri ni Lian ang katatagan ni John sa pagharap ng mga pagsubok ng buhay

- Pinuri din niya ang pagmamahal ni John sa anak niyang si Lexy na ayon kay Lian ay tila walang makakapantay

- Kaya naman, tinuturing niyang answered prayer na maging bahagi ng buhay nilang mag-iina si John

Sa pagsalubong sa Father's Day ngayong taon, ipinaabot ni Lian Paz ang kanyang tagos-pusong mensahe para kay John Cabahug. Pinasalamatan daw niya ang Diyos sa paggabay sa buhay ni John.

Lian Paz, binahagi ang mensahe para kay John Cabahug ngayong Father's Day
Lian Paz, binahagi ang mensahe para kay John Cabahug ngayong Father's Day
Source: Instagram

Gusto raw niyang malaman ni John na ipinagmamalaki raw siya ni Lian at pinahahalagahan ang bawat pagsisikap na ginagawa ni John upang maging mas mabuting tao para sa kanilang pamilya.

Pagdating naman sa pagmamahal ni John Cabahug sa kanyang anak na si Lexy, sinabi ni Lian na ang pagmamahal daw ni John sa kanyang anak ay walang kapantay.

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

Sa kabuuan, kinilala ni Lian ang pagbabago kay John bilang isang ama. Sinabi niya na ngayon, nasa landas daw si John ng walang hanggang paglago bilang isang ama ngunit kasama ang Ama nating Diyos sa kanyang tabi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Lian Paz na dating EB Babe ang dating asawa ni Paolo Contis. Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian. Sa kasalukuyan, naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran nito ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John. Dating basketball player si John at isang businessman sa Cebu.

Matatandaang inalala ng partner ni Lian na si John ang matinding pinagdaanan ng anak nilang si Xalene matapos ang isang taon. Ibinahagi nito ang video kung gaano niya inalalayan si Xalene habang nasa ospital. Ito ay matapos makagat ng aso sa bibig ang anak nila at kinailangang maturukan ng anti rabies. Ibinahagi din ni Lian sa kanyang Instagram story ang post na ito ni John.

Read also

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's day'

Sa isang panayam sa Pika Pika, naibahagi ni John ang tungkol sa kagustuhan niyang maging legal na ama ng mga anak ni Lian sa dati nitong asawang si Paolo Contis. Para sa kanya, kasal na lamang ang kulang sa kanila ni Lian. Aniya, sobrang maayos ang relasyon nilang dalawa. Nag-propose umano siya kay Lian kahit hindi pa natatapos ang annulment ng kasal nina Lian at Paolo at naniniwala siyang dadating din ang panahong kanilang hinintay para makapagpakasal na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel