Marvin Agustin, nagbabala laban sa online scammers na gumagamit ng larawan niya

Marvin Agustin, nagbabala laban sa online scammers na gumagamit ng larawan niya

- Naglabas ng babala si Marvin Agustin laban sa mga online scammer na gumagamit ng kanyang pangalan, larawan, at boses upang magbenta ng produkto na hindi niya ini-endorso

- Ipinahayag ni Marvin sa kanyang Instagram ang kanyang pagkabahala sa mga impostor na gumagamit ng kanyang identity sa social media

- Hinimok niya ang kanyang mga tagasunod na i-report ang mga kahina-hinalang post sa iba't ibang online platforms

- Tulad niya, nagbabala rin ang aktres na si Carla Abellana laban sa mga pekeng produkto na ginagamit ang kanyang pangalan

Naglabas ng babala ang aktor at celebrity chef na si Marvin Agustin tungkol sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan, larawan, at boses upang magbenta ng iba't ibang produkto na hindi niya ineendorso.

Marvin Agustin, nagbabala laban sa online scammers na gumagamit ng larawan niya
Marvin Agustin, nagbabala laban sa online scammers na gumagamit ng larawan niya
Source: Instagram

Kilala rin bilang Tito Marvs sa online world, ipinahayag ni Marvin sa isang opisyal na pahayag na ipinost sa kanyang Instagram account ang kanyang pagkabahala sa mga impostor na nagpapanggap na siya o mga kinatawan niya.

Read also

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's day'

"To all my followers as Marvin Agustin or “Tito Marvs,” I would like to inform you that we have received several reports of social media accounts pretending to be me or my representatives selling various products.," pahayag ni Marvin.

Dagdag pa niya, gumagamit ang mga ito ng AI upang magaya ang kanyang boses.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

These impersonators are using my name, photos, and videos, as well as manipulating my voice using AI.

Hinimok ni Marvin ang publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang post sa iba't ibang online platforms. "We urge everyone to report any suspicious posts on online platforms. Thank you very much for your understanding and support.."

Si Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas kilala bilang si Marvin Agustin ay isang aktor, chef, at restaurateur sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "Ang Tanging Ina", "Kutob" at "Flames: The Movie". Marami rin ang tumangkilik noon sa love team nila ni Jolina Magdangal.

Read also

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's Day post kasama si Ellie

Matapos na ilabas ni Marvin ang kanyang opisyal na pahayag patungkol sa mga batikos umano sa kanya ng mga naging customers, nagbigay komento rin ang kilalang komedyante at entertainment columnist at host na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie, malaking bagay na open si Marvin sa kritisismo at naniniwala siyang makakabawi ito sa mga hindi magandang nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel