Alex Gonzaga at Mikee Morada, kabilang sa ninong at ninang nina Cong at Viy Cortez

Alex Gonzaga at Mikee Morada, kabilang sa ninong at ninang nina Cong at Viy Cortez

- Sina Alex Gonzaga at Mikee Morada ay kabilang sa mga napiling ninong at ninang para sa nalalapit na kasal nina Cong at Viy Cortez

- Ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram ang isang larawan kung saan kasama nila ang magkasintahang sina Cong at Viy na ikakasal na

- Pabirong sinabi ni Alex na pinatanda sila ng desisyon nina Cong at Viy na kunin silang mag-asawa bilang ninong at ninang sa kasal pero aniya ay ayos lang

- Ipinunto ni Alex na karaniwang mas may edad ang mga kinukuhang ninong at ninang sa kasal kumpara sa mga ikakasal

Binahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram post ang isang larawan nila ng kanyang asawang si Mikee Morada. Sa nasabing post, kasama din nila sina Cong at Viy Cortez, na nakatakda nang magpakasal.

Ipinahayag ni Alex na sila ni Mikee ay napili bilang mga ninong at ninang sa nalalapit na kasal nina Cong at Viy.

Read also

Ryzza Mae Dizon, naiyak sa surprise cotillion na inihanda para sa kanya

Alex Gonzaga at Mikee Morada, kabilang sa ninong at ninang nina Cong at Viy Cortez
Alex Gonzaga at Mikee Morada, kabilang sa ninong at ninang nina Cong at Viy Cortez
Source: Facebook

Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Alex na pinatanda sila ng desisyon nina Cong at Viy na kunin silang mag-asawa bilang ninong at ninang pero aniya ay ayos lang.

See you sa kasal mga inaanak. Pinatanda nyo kami pero ok lang kasi alam nyo na ah kapag nagkulang sina ninang at ninong, beke nemen mga inaanak. Viy Cortez Cong TV

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakasanayan na kasi at karaniwang ang mga kinukuhang ninong at ninang sa kasal ay mas may edad kaysa sa mga ikakasal.

Tila ikinatuwa naman ng mga tagahanga ang post na ito ni Alex, na nagdulot ng excitement para sa nalalapit na kasal nina Cong at Viy. Maraming netizens ang nagkomento ng kanilang pagbati at kasiyahan sa balitang ito.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Ogie Alcasid, ibinida ang kanilang family picture: "Our family is back together!"

Ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram story ang nakakaantig na video ng asawa niyang si Mikee Morada. May dala itong bulaklak at regalo para sa kanya sabay binati siya ng Happy Mother's Day. Maririnig naman din ang uncle ni Alex na kilala bilang si Uncle Jojo na nagsasalita at nagsabing advance masyado si Mikee. Marami ang naantig sito lalo at hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ng mag-asawa matapos hindi matuloy ang pagbubuntis ni Alex.

Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly. Ani Alex, fail ang kanyang effort pero gayunpaman marami ang naaliw at natuwa sa kanyang pagiging mapagmahal na tita. Pinakita pa ni Alex ang pinagkaiba ng reaksiyon ng pamangkin nang panuorin siya at si Ms. Rachel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate