Billy Crawford at Jhong Hilario, ibinida ang kanilang walang kupas na dance moves

Billy Crawford at Jhong Hilario, ibinida ang kanilang walang kupas na dance moves

- Kinabiliban at hinangaan sina Billy Crawford at Jhong Hilario matapos nilang muling magpakitang-gilas sa dance floor

- Ngayong araw ay guest sa "It's Showtime" si Billy kasama si Sarah Geronimo na ka-collab ni Billy sa kantang 'My Mind'

- Sinayaw nina Jhong at Billy ang kanilang sinasayaw noong na 'Take It To The Head' at 'True

- Matatandaang isa si Billy sa dating host ng "It's Showtime" at kadalasang nakakasabay nina Jhong at Vhong sa pagsasayaw

Kinabiliban at hinangaan sina Billy Crawford at Jhong Hilario matapos nilang muling magpakitang-gilas sa dance floor. Ngayong araw, nag-guest si Billy sa It's Showtime kasama si Sarah Geronimo na ka-collab niya sa kantang 'My Mind'.

Billy Crawford at Jhong Hilario, ibinida ang kanilang walang kupas na dance moves
Billy Crawford at Jhong Hilario, ibinida ang kanilang walang kupas na dance moves
Source: Youtube

Sa kanilang segment, sinayaw nina Jhong at Billy ang kanilang mga paboritong sayaw tulad ng 'Take It To The Head' at 'True', na ikinatuwa ng mga manonood. Matatandaang isa si Billy sa dating host ng It's Showtime at kadalasang nakakasabay nina Jhong at Vhong Navarro sa mga dance performances.

Read also

Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad

Ang muling pagsasama nina Billy at Jhong sa entablado ay nagdulot ng nostalgia at excitement sa mga tagahanga, na muling nasilayan ang kanilang walang kupas na dance moves.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Billy Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay nag-host ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Naibahagi ni Billy ang opinyon niya kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Alex Gonzaga. Ani Billy, alam niyang alam ni Alex kung ano ang nagawa niyang mali at humingi naman ito ng dispensa. Dagdag pa ni Billy, maging aral na lang sa lahat ang nangyari at mag-move on na lang sa isyung ito. Nakausap niya umano si Alex noong araw ng kanyang birthday at biniro pa niya ito kaugnay sa kanyang kinasangkutang isyu.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel