Karla Estrada, ibinuking si Ruffa Gutierrez na takot umanong mag-50

Karla Estrada, ibinuking si Ruffa Gutierrez na takot umanong mag-50

- Ibinuking ni Karla Estrada ang kaibigang si Ruffa Gutierrez na takot umanong mag-50

- Naganap ito sa birthday celebration ng isa rin nilang kaibigan na si Marjorie Barretto

- Gayunpaman, sinabi ni Karla na hindi pa naman daw kasi sila mukhang 50-anyos

- Biniro pa niya si Ruffa na 'pampataranta' umano kaya naman naaapektuhan din daw siya kahit hindi niya ito naiisip

Makulit na ikinuwento ni Karla Estrada ang tungkol sa kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez na takot umanong sumampa sa edad na 50.

Karla Estrada, ibinuking si Ruffa Gutierrez na takot umanong mag-50
Karla Estrada, Ruffa Gutierrez and Marjorie Barretto
Source: Instagram

Sa 50th birthday celebration ni Marjorie Barretto, hindi napigilan ni Karla na ibuking ang umano'y pag-aaalala na ito ni Ruffa.

"Bahala na sino mauna Ruffa. Kasi takot 'tong mag-singkwenta e. (Sabay turo kay Ruffa)"
"Sorry Marj birthday mo pero hindi ko 'to kayang tiisin na hindi ko ikwento. Na-stress ako diyan. Tumawag, 'hello,' 'anong balita?', 'we're turning 50 na'."

Read also

Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagpapatuloy pa ni Karla, unti-unti na niya umanong tinatanggap ang kanilang edad.

"Kasi ako, pilit natin na ini-embrace 'yung ating edad kasi hindi tayo mukhang 50 thank you Lord."

Gayunpaman, pabiro pa rin niyang sinabi kay Ruffa na dahil sa pangamba nito, maging siya ay naaapektuhan na rin.

"Eto pampataranta. Ako din, affected na rin ako... Ayaw mong isipin pero hindi, alam mo ito yung mahal natin sa isa't isa. 'yung mga ugali nating hindi katanggap-tanggap pero kamahal-mahal."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Marjorie Barretto:

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Read also

Gerald's birthday message for Marjorie Barretto: "Thank you for trusting me tita"

Kamakailan, pinasalamatan ni Karla ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Matatandaang ang anak niyang si Daniel Padilla ay nagpaunlak pa rin ng awitin sa kabila ng pag-ulan upang hindi mabigo ang mga nanonood sa nasabing pagtitipon.

Samantala, sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Karla ang pinakamalungkot na alaala umano ni Daniel sa kanilang mag-ina. Nang malaman niya ito, sinulatan niya si Daniel at nag-sorry sa madalas umanong pag-iwan niya noon sa anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel