Andi kay Ellie sa pagpanaw noon ni Jaclyn Jose: "She's on another level"

Andi kay Ellie sa pagpanaw noon ni Jaclyn Jose: "She's on another level"

- Naidetalye ni Andi Eigenmann kung paano hinarap ng kanyang panganay na anak ang pagpanaw ng lola nitong si Jaclyn Jose

- Aniya, iba ang tapang na ipinakita ni Ellie na maging siya ay hindi niya inasahan

- Handa na umano sana si Andi na ipaunaw kay Ellie ang biglaang pangyayari

- Pinasalamatan din niya ang ilan nilang kaanak na sumuporta kay Ellie sa panahong iyon

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa programang My Mother, My Story, isa sa naibahagi ni Andi Eigenmann ang umano'y nakamamanghang katatagan ng kanyang anak na si Ellie sa pagpanaw ng lola nitong si Jaclyn Jose.

Andi kay Ellie sa pagpanaw noon ni Jaclyn Jose: "She's on another level"
Andi Eigenmann with daughter Ellie (@andieigengirl)
Source: Instagram

Ani Andi, hindi niya inaasahan ang pagharap ni Ellie sa sitwasyong gumulantang sa kanila.

"Wow, Ellie... We're like talking about my mom being strong, me being strong, Ellie is, she's on another level. I was so surprised. Kasi, ayun nga ako 'yung klase ng ina na parang textbook medyo, like I really want to be there for you, I will understand your feelings, only homeschooling mom, only healthy food allowed. Ganyan akong klase ng ina. So parang ready ako na oh my gosh, ibang klaseng ano 'to. I have to be here for her emotionally, I want to teach her how to be mentally strong... Parang I didn't need to do any of that," pahayag ni Andi.

Read also

Edu Manzano, pinalagan ang motorcycle cop na nanghingi raw ng 4K sa kanyang driver

Aniya, tila nauunawaan ni Ellie ang mga nangyayari sa pagkakataong iyon at malayang nailalabas ang saloobin nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"She was so comfortably expressing and releasing her emotions, how she felt, she will cry it out, she will release and express her sadness pero okay siya. She seems to have a clear understanding that, that's life. That's how it is."

Pinasalamatan din ni Andi ang mga taong malalapit sa puso ni Ellie maging ang pamilya ni Jake Ejercito, sa suporta ibinigay nito sa kanilang anak sa pagkakataong iyon.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kay Andi mula sa My Mother, My Story ng GMA:

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma'Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn noong Marso 3 ng gabi. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'

Samantala, ilang linggo matapos ang pagpanaw ni Jaclyn, tinanggap ni Andi ang Honorary Distinction Award mula sa Parangal ng Sining para sa kanyang yumaong ina. Sa kanyang speech, nabanggit niyang ihehelera niya ang naturang award sa mahigit 50 na tropeyong natanggap ng ina sa karera nito bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica