Edu Manzano, pinalagan ang motorcycle cop na nanghingi raw ng 4K sa kanyang driver

Edu Manzano, pinalagan ang motorcycle cop na nanghingi raw ng 4K sa kanyang driver

- Pinalagan ni Edu Manzano ang isang enforcer matapos raw nitong hingan ng P4K ang kanyang driver sa Roxas Blvd

- Sinabi ni Edu na huminto ang pulis sa kanyang driver dahil sa illegal U-turn at nag-demand ng pera kapalit ng hindi pagbibigay ng violation ticket

- Hindi nakatiis si Edu at kinompronta ang pulis, na nagbanta pa sa kanyang driver habang siya ay nasa likuran ng sasakyan

- Ipinakita ni Edu ang kanyang paninindigan laban sa katiwalian at paghingi ng hustisya sa insidente

Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya at galit si Edu Manzano matapos makaranas ng umano'y pangongotong mula sa isang motorcycle cop na huminto sa kanyang driver sa Roxas Blvd.

Edu Manzano, pinalagan ang motorcycle cop na nanghingi raw ng 4K sa kanyang driver
Edu Manzano, pinalagan ang motorcycle cop na nanghingi raw ng 4K sa kanyang driver
Source: Instagram

Ayon kay Edu, "My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Blvd. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation, Illegal U-turn. Yes, my driver made a mistake but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else …."

Read also

Sarina Hilario, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin, salamin' video

Hindi napigilan ni Edu ang kanyang galit at kinompronta ang pulis. "I lost it. I had to confront the cop. He started w/ a seminar, then P2K, then P4K. All the while I was in the back listening while he threatened my driver. I did not mince words," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa insidenteng ito, ipinakita ni Edu Manzano ang kanyang determinasyon na labanan ang katiwalian at paninindigan para sa tama.

Si Edu Manzano ay isang kilalang aktor, TV host, at dating politiko sa Pilipinas. Siya ay naging prominenteng personalidad sa industriya ng showbiz at telebisyon. Ilan sa kanyang mga tanyag na palabas ay ang "Game K N B?" kung saan siya ang naging host, at iba't ibang teleserye at pelikula kung saan siya gumanap ng iba't ibang karakter.

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Sa video na ibinahagi ni Luis Manzano kung saan nakausap niya nang masinsinan ang kanyang amang si Edu nakwento ng mag-ama ang karanasan ni Edu bilang isang varsity player habang nag-aaral. Isa umano sa kanyang naging propesor ay ang batikang direktor na si Direk Joey Reyes at binalaan nito si Edu kaugnay sa palagi nitong pagiging late sa klase - Sinabi niyang hindi na ito maaring ma-late sa klase at ma-drop siya kapag naulit pa ito kaya pinilit umano ni Edu na pumasok kahit naka-tuwalya lang sya.

Samantala, kinaaliwan ang mag-amang Luis at Edu sa kanilang hirit para sa anila'y nagbabalak na manligaw sa anak ni Luis na si Isabella. Sa isang video clip na binahagi ni Luis sa Instagram pabirong nagbabala ang mag-ama. Ani Luis, kumakatok pa lang ang manliligaw ni Rosie sa pintuan nila ay dinidibdiban na daw niya ito. Hirit pa niya, kilalanin ng mga ito ang kamao ng mga Manzano at sabay pa sila ni Edu na nagpakita ng kanilang kamao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel