Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG

Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG

- Pinasok ng mga scammer ang Instagram accounts nina Danica Sotto at Marc Pingris upang manghingi ng pera mula sa kanilang mga kaibigan at followers

- Binabalaan ni Marc ang publiko na huwag pansinin ang anumang kakaibang mensahe at huwag munang tumugon o i-click ang mga link na ipinapadala

- Nagpahayag ng pangamba si Marc sa posibilidad na mayroong ibang tao ang gumagamit ng kanilang mga accounts at nanghihikayat ng mga tao na tumanggap ng kahina-hinalang mensahe

- Samantala, kamakailan lamang, sumailalim si Danica sa isang medical operation kung saan tinanggalan siya ng gallbladder habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayaring ito

Pinasok ng modus ang Instagram accounts ng mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, kung saan ginamit ang kanilang mga account upang mang-scam o manghingi ng pera.

Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG
Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG
Source: Instagram

Ibinalita mismo ni Marc Pingris ang insidente sa social media, nagbabala sa kanilang mga kaibigan at pamilya na huwag nang pansinin ang anumang kakaibang mensahe mula sa kanilang IG accounts at huwag munang tumugon o i-click ang mga link na ipinapadala.

Read also

Daniel Padilla, sinaway ang isang audience: "Yung nambabato ng bote dyan, tigilan mo yan"

Nagpahayag ng pangamba si Marc sa publiko, sinasabing mayroong kumukuhang gumagamit ng kanilang mga accounts, nanghihingi ng pera gamit ang GCash, at nanghihikayat ng mga tao na tumanggap ng kahina-hinalang mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung na-recover na ng mag-asawa ang kanilang mga accounts dahil wala pang pahayag si Marc hinggil dito.

Matatandaan na kamakailan lamang, sumailalim si Danica sa isang medical operation kung saan tinanggalan siya ng gallbladder, habang nagpapatuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidenteng ito sa kanilang mga IG accounts.

Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG
Mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nagbabala matapos ma-hack ang kanilang IG
Source: Instagram

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kapatid siya ni Oyo Boy Sotto. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Fantastic Man (2003), Uno (2005) at Mama Said, Papa Said I Love You (1985). Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si Marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Read also

Annabelle Rama, muling nag-post tungkol sa tinukoy niyang 'Chucky doll'

Kinaaliwan din ang pag-post ni Danica ng video kung saan napagtripan niya ang kanyang mister. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa ay ginamitan niya ito ng sad filter habang kumukuha ng video. Tinanong niya si Marc kung bakit umano ito malungkot.

Matatandaang binahagi ni Danica ang tungkol sa magandang blessing na natanggap ng kanilang pamilya. Sa isang Instagram post ay pinakita niya ang maiksing video na nagpapakita ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis na kanilang baby no. 3. Marami sa mga kapwa niya artista ang bumati sa celebrity mom na itinuturing na answered prayer ang kanyang pagbubuntis. Binahagi naman ni Marc Pingris ang tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang post kung saan binati niya ang sarili ng "Happy Father's Day."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel