Pokwang, nakatanggap ng Father's Day card mula kay Malia

Pokwang, nakatanggap ng Father's Day card mula kay Malia

- Nakatanggap si Pokwang ng maagang Father's Day card mula sa kanyang anak na si Malia

- Ibinahagi ni Pokwang sa social media ang sorpresa at tuwa sa natanggap na card

- Biniro ni Pokwang na may magpo-post ng "Happy Father’s Day Dada!" mula sa lumang account ng anak niya

- Ipinapakita ng post ang malalim na ugnayan at pagmamahalan sa pagitan ni Pokwang at Malia

Isang nakakaantig na sorpresa ang natanggap ni Pokwang mula sa kanyang anak na si Malia. Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Pokwang ang natanggap niyang maagang Father's Day card mula kay Malia.

Pokwang, nakatanggap ng Father's Day card mula kay Malia
Pokwang, nakatanggap ng Father's Day card mula kay Malia
Source: Instagram

"Wow, early Father's Day greeting card from my sweetheart @malia_tisayngmasa18 ❤️" ayon kay Pokwang sa kanyang post. "Hindi ko na siya tinanong bakit niya ako ginawan ng card hahahhaha alam na ng bata matalino yan ❤️."

Nabanggit din ni Pokwang sa kanyang post ang posibilidad na ang isa sa mga lumang account ng anak niya ay magpo-post ng "Happy Father’s Day Dada!" sa mismong araw ng selebrasyon.

Read also

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa ng 2021 umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel