Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer

Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer

- Nagpasalamat si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 Most Followed male influencer

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng mga male influencers na pasok sa listahan na pinangunahan niya

- Kabilang din sa naturang listahan sina Manny Pacquiao, Vhong Navarro, James Reid, Daniel Padilla at marami pang iba

- Sa gitna ng kinakaharap niyang kontrobersiya, masaya ang kanyang mga tagahanga na tuloy-tuloy pa rin ang biyaya sa kanya

Nagpasalamat si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 Most Followed male influencer. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng mga male influencers na pasok sa listahan na pinangunahan niya.

Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer
Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer
Source: Instagram

Kabilang din sa naturang listahan sina Sen. Manny Pacquiao, Vhong Navarro, James Reid, Daniel Padilla, at marami pang iba. Sa kanyang post, ipinahayag ni Vice ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga tagahanga at followers na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Read also

Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad

Sa gitna ng kinakaharap niyang kontrobersiya, masaya ang kanyang mga tagahanga na tuloy-tuloy pa rin ang biyaya sa kanya. Patunay ito ng kanyang patuloy na impluwensya at pagmamahal ng publiko, sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel