Gerald Anderson, binalikan ang pagbigay ng bahay sa ina: "Inuna ko yun para sa nanay ko"

Gerald Anderson, binalikan ang pagbigay ng bahay sa ina: "Inuna ko yun para sa nanay ko"

- Inalala ni Gerald Anderson ang pagbili niya ng bahay para sa kanyang ina

- Nabanggit din ni Gerald ang naging motivation niya para matupad ito

- Kaya naman paglabas pa lamang niya ng Pinoy Big Brother house, agad siyang nagtrabaho at nakaipon

- Kaya naman sa kung anuman ang binibili raw niya ngayon para sa sarili, 'di siya nagi-guilty dahil inuna na niya ang para sa ina

Isa sa nausisa ni Karen Davila sa panayam niya kay Gerald Anderson ay ang tungkol sa bahay na handog ng aktor sa kanyang ina.

Gerald Anderson inalala ang pagbili ng bahay para sa ina: "inuna ko yun para sa nanay ko"
Gerald Anderson kasama ang kanyang Mommy Evangeline (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Pagbabalik-tanaw ni Gerald, minsan lamang niyang naipangako sa ina na mabibigyan niya ito ng magandang bahay noong nasa Amerika pa sila.

"Nung nandun kami sa States, hindi naman kami mayaman e. Let's say middle class, barely middle class. We have this small small house sa States. And then sa labas po ng same village or subdivision namin, may magagandang mga bahay. 'Yun yung sinasabi ko sa nanay ko, one day bibilhan kita ng malaking bahay mo kahit anong bahay na gusto mo."

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

"So 'yun yung naging motivation ko rin. 'Pag labas ko ng PBB nagtrabaho, nakaipon. Ni-renovate ko 'yung dati naming bahay sa GenSan."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, tila kampante si Gerald na kung anuman ang kanyang bilhin para sa sarili, alam niyang inuna at naging prayoridad niya ang kanyang ina.

"Kumbaga kahit anong bibilhin ko para sa sarili ko hindi na ako magi-guilty dahil alam ko na inuna ko 'yan para sa nanay ko"

Hindi niya umano makakalimutan ang pagkakataong iyon na labis niyang ipinagpapasalamat sa Diyos.

"Ang bait talaga ni Papa God na you always pray, you always think about what you want and mangyayari talaga and you have to work towards it. I just remember na sobrang saya. Sobrang saya 'nung moment na 'yun."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Read also

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya'y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.

Sa naturang panayam naman ni Karen Davila kay Gerald, nabanggit niya ang tungkol sa usapang pagpapakasal. Aniya, 'malapit-lapit' na umano ito gayung 35- anyos na siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel