Mommy Carmen, nakipagsabayan sa sayawan kina Jasmin Curtis at Liezel Lopez

Mommy Carmen, nakipagsabayan sa sayawan kina Jasmin Curtis at Liezel Lopez

- Ibinida ni Mommy Carmen Curtis Smith ang TikTok video niya kasama ang anak na si Jasmin Curtis at ang co-star nito na si Liezel Lopez

- Sumayaw sila sa kantang 'Selos' at marami ang nakapansin sa husay nitong sumayaw at maging sa magandang pangangatawan nito

- Anila, may pinagmanahan talaga ang tinaguriang Diyosa na si Anne Curtis na kahit may isang anak na ay walang kusap pa din pagdating sa pagpapanatili ng kanyang malakas na pangangatawan

- Umani ng mahigit isa't-kalahating milyon ang views ng naturang TikTok video ni Mommy Carmen

Ibinida ni Mommy Carmen Curtis Smith ang TikTok video niya kasama ang anak na si Jasmin Curtis at ang co-star nito na si Liezel Lopez. Sumayaw sila sa kantang "Selos," at marami ang napansin sa husay ni Mommy Carmen sa pagsayaw pati na rin sa magandang pangangatawan nito.

Read also

Belle, hinandugan ng medal ni Donny; hinangaan nang ipasa ito kay Solana

Mommy Carmen, nakipagsabayan sa sayawan kina Jasmin Curtis at Liezel Lopez
Mommy Carmen, nakipagsabayan sa sayawan kina Jasmin Curtis at Liezel Lopez
Source: TikTok

Marami ang humanga sa TikTok video na ito, kung saan makikita ang kasiyahan at galing ng tatlong babae sa kanilang sayaw. Ayon sa mga netizen, may pinagmanahan talaga ang tinaguriang Diyosa ng Pinas na si Anne Curtis, dahil kahit may isang anak na ay walang kupas kagaya ni Mommy Carmen pagdating sa pagpapanatili ng kanyang malakas na pangangatawan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng mahigit isa't-kalahating milyon ang views ng naturang TikTok video ni Mommy Carmen.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate