Yeng at Vice, nag-jeeppool karaoke; nagkwento ng ilang jeepney experiences nila noon

Yeng at Vice, nag-jeeppool karaoke; nagkwento ng ilang jeepney experiences nila noon

- Bisita ni Vice Ganda kanyang vlog ang tinaguriang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino

- Muli silang sumakay sa pampasaherong jeep at nakipagkwentuhan sa mga kasakay nila doon

- Ginawa rin nila ang 'jeeppool karaoke' kung saan kinanta ni Yeng ang ilan sa kanyang mga hit songs

- Nagbalik-tanaw din sila sa iba't ibang mga naging karanasan nila sa pagsakay sa jeepney

Sa pinakabagong vlog ni Vice Ganda, naging panauhin niya ang Pop Rock Royalty na si yeng Constantino.

Yeng at Vice, nag-jeeppool karaoke; nagkwento ng ilang jeepney experiences nila noon
Yeng Constantino and Vice Ganda (Vice Ganda YouTube)
Source: Facebook

Muli silang sumakay sa jeepney na umano'y matagal na nilang hindi nagagawa.

Dahil dito napagkwentuhan nila ang iba't ibang naging karanasan nila sa jeep bilang bahagi na rin ng kanilang pakikipag-chikahan sa iba pang mga pasaherong sakay nito.

"Never pa akong na-snatchan pero naranasan kong, nakakahiya... mag-one two three," kwento ni Yeng.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

Sinang-ayunan naman ni ito ni Vice at sinabing maraming beses na umano siyang nag-one two three o bumababa ng jeep nang hindi nagbabayad.

"Kasi pinambibili ko ng spray net yung baon ko," aniya.

Nagulat din sila sa halaga ng pamasahe na sa pagkakataong iyon, Php 21 ang kailangan ibayad ng pasaherong nagpaabot ng bayad.

Ayon kay Yeng, tres pesos ang inabutan pa niya noong halaga ng pamasahe.

Napagkwentuhan din nila ang pagkakataong kasama nila ang kanilang mga ina sa pagsakay ng jeep.

"Kasi si mama 'pag kasama ako, protective siya e. So 'pag sobrang bilis mag-drive ng driver sorry ho ah, 'talagang PI mo'... Ganu'n siya. 'Gusto mong mamatay? Hindi pa ako mamatay, kasama ko pa anak' gumaganun siya" pagbabalik-tanaw ni Yeng.

"'Yung nanay ko naman talaga switik. Kasi kahit maluwag, ikakandong niya ako. Kasi 'di ba 'pag kandong isa langa ang bayad? E ang laki ko na no'n. Ang laki ko kasing bakla," ang kwento naman ni Vice.

Read also

Nash Aguas, nag-propose kay Mica Dela Cruz kahit hindi pa sila nagkabalikan

Matapos ito, nagkantahan naman sila sa loob ng jeep ng mga popular na kanta ni Yeng habang patuloy ang kwentuhan sa mga kasakay nila sa jeep.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Jose Marie Borja Viceral na mas kilala bilang si Vice Ganda ay isang kilalang Filipino comedian, singer at TV host ng noontime show na It's Showtime. Tinagurian din siyang 'Unkabogable Star' dahil na rin sa mga patok sa takilya niyang mga pelikula.

Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Vice matapos mag-viral ang bahagi ng segment nilang Expecially For You kung saan di umano'y nasinta niya ang isang searchee sa pag-aakalang nailang ang searcher na kinamayan na nabeso nito.

Agad namang naglabas ng pahayag si Vice at nag-sorry sa kanya umanong nagawa lalo na at naglabas ng pahayag ang searcher na hindi niya umano minasama ang pagbeso o inakalang paghalik sa kanya ng searchee. Subalit sa kalalabas lamang na bagong pahayag ni Vice sa It's Showtime, sinabing binabawi umano niya ang nasabi sa Twitter.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel