Vice Ganda sa Expecially For You searchee na si Axel: "I will apologize to the guy"

Vice Ganda sa Expecially For You searchee na si Axel: "I will apologize to the guy"

- Naglabas na nagpahayag si Vice Ganda kaugnay sa naging kontrobersyal na reaksyon niya sa isang searchee ng Expecially For You

- Nagsalita na rin umano ang searcher, at sinabing tila na-misinterpret lang ng hosts ang nangyari

- Klinaro rin niyang wala umanong nangyaring halik mula sa searchee na inakala ng marami na mayroon

- Umani ito ng samu't saring reaksyon kaya umano minabuti na ng searcher na linawin ang nangyari

Naglabas na ng kanyang pahayag si Vice Ganda patungkol sa naging kontrobersyal na reaksyon niya sa umano'y nagawa ng searchee na si Axel sa searcher na si Christine ng Expecially For You noong May 31.

Vice Ganda sa Expecially For You searchee na si Axel: "I will apologize to the guy"
Vice Ganda (Vice Ganda FB)
Source: Facebook

Inakala ng marami na tila nailang si Christine sa pagbeso ni Axel na agad na nadepensahan ni Vice Ganda sa mismong segment ng programa.

Sa kanyang X na dating Twitter, humingi na ng paumanhin si Vice sa kanya umanong naging reaksyon gayung mismong ang searcher na si Christine na ang naglinaw na wala umanong halik na ginawa ang searchee na si Axel sa kanya.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

"Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated," paglilinaw ni Vice.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Since hindi naman pala I will apologize to the guy," dagdag pa ni Vice.

Kasama pa sa kanyang Twitter post ang umano'y pahayag ni Christine sa nangyari.

Ang Expecially For You ay isa sa mga pinaaabangang segment sa it's Showtime. Ang kakaiba sa portion na ito, may pagkakataong ang ex mismo ng searcher ang kasama niya upang tulungan siyang makahanap ng panibagong pag-ibig. Sa ibang pagkakataon, taong malalapit sa searcher ang kanilang nakakasama upang makilatis ang searchee na para sa kanila.

Tulad na lamang ng naganap sa espesyal na episode ng Expecially for You kung saan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang searcher, kasama ang kanyang inang Beauty Queen actress na si Melanie Marquez.

Read also

Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya

Doon, napili ni Michelle si Oliver Oliver Moeller. Makalipas ang isang linggo, nagbigay ng update ang It's Showtime sa naganap na date na dalawa. Puro papuri ang nasabi ni Oliver kay Michelle na nilarawan niya bilang isang "very intelligent" "very easy to talk to" at isa umanong "lovely person"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel