Content creator, umano'y na-trauma sa nangulubot na mukha dahil sa facial mask

Content creator, umano'y na-trauma sa nangulubot na mukha dahil sa facial mask

- Mabilis na nag-viral ang video ng isang content creator na umano'y nangulubot ang mukha sa ginamit na facial mask

- Aniya, sanay naman siyang gumamit ng mga skin care products online

- Iyon umano ang unang pagkakataon na nangyari ito sa mukha niya kaya aniya'y na-trauma siya

- Gayunpaman, magsilbi umanong aral ang nangyari sa kanya na suriing mabuti ang mga inilalagay o ginagamit 'di lang sa mukha kundi sa buong katawan

Naging usap-usapan online ang umano'y kinahinatnan ng mukha ng content creator na si Benjamin Madiza.

Content creator, umano'y na-trauma sa nangulubot na mukha matapos gumamit ng facial mask
Content creator, umano'y na-trauma sa nangulubot na mukha matapos gumamit ng facial mask (@imissyoubenjamin)
Source: Youtube

Ito ay matapos na mapanood ng marami ang kanyang video na nagpapakita ng namula at umano'y nangulubot na mukha na siyang epekto ng paggamit niya ng facial mask na nabili online.

Sa panayam sa kanya ng 24 Oras, GMA News nabanggit ni Benjamin na tila na-trauma siya sa pangyayaring ito.

Read also

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

"Parang namanhid po siya. Pero ano po, nararamdaman ko lang po 'yung ano, 'yung cool no?" ani Benjamin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pagkatapos, pagkatanggap ko ng face mask na 'yun po nakita ko na po 'yung pagbabago sa mukha ko. Doon na trauma ako," giit pa niya.

Gayunpaman, magsilbi umanong aral sa publiko ang kinahinatnan ng kanyang mukha.

"Natakot po ako sa mukha kong tumanda, kumulubot. Bilang content creator, magiging informative po 'yun para sa lahat na kailangan, yung may mga may skin ano po, sensitive po, maka-aware po sa mga ginagamit nila."

Kamakailan, isang content creator din ang nag-viral dahil sa pagprito niya ng ilang ulam gamit ang init ng araw. Sa video ng vlogger na si Miss Popcorn ng Negros Occidental, makikitang 20 minuto niyang ibinilad sa araw ang kawali na kanyang ginamit sa pagpiprito ng hotdog at isda.

Read also

Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya

Samantala, ilang mga content creators din ang naging usap-usapan kamakailan. Isa na rito si Rosmar Tan Pamulaklakin nang mamahagi siya ng biyaya kay Diwata. Sinasabing umabot 'di umano sa tumataginting na Php 5 million ang kabuuang halaga na kanyang naibigay dito.

Maging ang Team Payaman, sa pangunguna ni Cong TV ay gumawa rin ng ingay online. Ito ay matapos nilang makatunggali ang team ni Donny Pangilinan sa ABS-CBN All Star Games.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel