Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya

Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya

- Umalma si Lie Reposposa sa paratang ng isang netizen na nagsabing siya ay nag-ve-vape

- Sa social media, mariing pinabulaanan ni Lie ang maling impormasyon at sinabing hindi siya gumagamit ng vape o sigarilyo

- Pinayuhan ni Lie ang mga netizen na huwag mag-comment ng maling impormasyon dahil may iba na naniniwala rito

- Maraming fans at followers ang sumuporta kay Lie at nanawagan ng pag-iingat sa pagkalat ng impormasyon online

Umalma si Lie Reposposa sa isang netizen na nagsabing siya ay nag-ve-vape. Sa kaniyang social media account, mariing pinabulaanan ng singer at former "Pinoy Big Brother" housemate ang paratang na ito.

Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya
Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya
Source: Facebook

"Vangie kung sino ka man, wag niyo po sana ugaliin ang pag-comment ng maling information para may ma-comment lang dahil may iba na naniniwala sa ganito," pahayag ni Lie sa kanyang post. Dagdag pa niya, "FYI, kung kilala niyo po talaga ako, hindi po ako gumagamit ng vape or cigarettes at wala po akong vape na sinasabit sa leeg."

Read also

Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya

Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya
Lie Reposposa, umalma sa netizen na nagsabing nag-ve-vape daw siya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi rin napigilan ni Lie na banggitin ang pagkadismaya sa mga gumagawa ng maling istorya. "Daghan kog kaila nga murag si Vangie story maker," aniya.

Maraming fans at followers ni Lie ang sumuporta sa kanyang pahayag, at nanawagan din sa mga netizens na maging maingat sa pagkalat ng impormasyon online.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Read also

Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel