Cherry White at Boy Tapang, muling nagkita sa birthday party ni Whamos

Cherry White at Boy Tapang, muling nagkita sa birthday party ni Whamos

- Matapos ang kanilang paghihiwalay at sagutan, muling nagkita ang dating magkarelasyon at kapwa content creator na sina Cherry White at Boy Tapang

- Sinubukan silang pag-ayusin ng kanilang mga kaibigan sabay ng kantiyawan mula sa mga content creator din kagaya nila

- Ani Boy Tapang, wala naman na siyang sama ng loob para kay Cherry

- Pinaupo naman siya ni Cherry White sa upuan sa tabi niya at nagbirong kailangan daw ito para dumami ang kanyang views

Matapos ang kanilang paghihiwalay at sagutan, muling nagkita ang dating magkarelasyon at kapwa content creator na sina Cherry White at Boy Tapang sa birthday party ng kanilang kaibigang si Whamos. Ang naturang selebrasyon ay nagsilbing pagkakataon para sa kanilang muling pagkikita.

Cherry White at Boy Tapang, muling nagkita sa birthday party ni Whamos
Cherry White at Boy Tapang, muling nagkita sa birthday party ni Whamos
Source: Facebook

Sinubukan silang pag-ayusin ng kanilang mga kaibigan, sabay ng kantiyawan mula sa mga kapwa content creators nila. Sa kabila ng kanilang nakaraang alitan, nagawa nilang mag-usap nang maayos. Ani Boy Tapang, Wala naman na siyang sama ng loob para kay Cherry.

Read also

Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"

Pinaupo naman siya ni Cherry White sa upuan sa tabi niya at nagbirong, kailangan Ang kanilang biruan ay ikinatuwa ng mga dumalo, at tila naging daan ito upang mapawi ang tensyon sa pagitan nila.

Ang birthday party ni Whamos ay naging makulay at masaya, puno ng kantiyawan at tawanan, habang ang muling pagkikita nina Cherry White at Boy Tapang ay nagbigay ng aliw at saya sa lahat ng naroon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Read also

Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasabit ng money garland tuwing graduation

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel