Boy Abunda, nakuhaan ng pahayag si Philmar Alipayo ukol sa viral video nito kamakailan

Boy Abunda, nakuhaan ng pahayag si Philmar Alipayo ukol sa viral video nito kamakailan

- Nabanggit ni Boy Abunda na nakausap umano niya si Philmar Alipayo ukol sa viral video nito kamakailan

- Ito umano ay gumawa ng ingay online gayung iba ang kasamang babae ni Philmar

- Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag ang partner ni Philmar na si Andi Eigenmann ukol sa isyu

- Sinabi nitong ang hindi tama ay ang pag-edit ng video para lamang mapag-usapan

Sa panimula ng Fast Talk with Boy Abunda noong May 31, ibinahagi ni Boy ang teaser ng kanyang interview kay Andi Eigenmann sa programang My Mother, My Story.

Boy Abunda, nakuhaan ng pahayag si Philmar Alipayo ukol sa viral video nito kamakailan
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo (@andieigengirl)
Source: Instagram

Doon nabanggit niyang bukod kay Andi, nakapanayam din niya si Philmar Alipayo.

Sa kauna-unahang pagkakataon umano, nagsalita si Philmar tungkol sa viral video kung saan makikitang kausap niya ang content creator na si sinasabing si Crissa Liaging.

"Nakausap ko rin po ang partner ni Andy na si Philmar Alipayo. For the first time, Philmar addressed itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video, that is causing a stir on social media," ani Boy.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"What happened was uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that's it," dagdag pa nito.

Nabanggit niyang tila natawa na lamang umano si Philmar at Andi nang mapanood ang naturang video.

Matatandaang sa naging pahayag ni Andi, mas ikinabahala niya ang pag-edit ng video para lamang mapag-usapan at gumawa ng ingay.

"Sabi ni Philmar, sabi ni Andi. Kaya 'nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi. But what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue," saad pa ni Boy.

Si Philmar Alipayo ay isang professional surfer sa Pilipinas. Gumuhit ng kasaysayan si Philmar nang tanghalin siyang kauna-unahang Filipino champion sa PSCT matapos na manalo noon sa 19th Siargao National Surfing Cup in 2017. Siya ang fiancé ni Andi Eigenmann na anak naman ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Read also

Ex-fiancée ng "Because of You" singer na si Keith Martin, ipinakilala ang kanilang anak

Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Jake Ejercito, napag-usapan nila si Philmar bilang stepdad ni Ellie, anak nina Jake at Andi. Ani Jake, malaki ang pasasalamat niya kay Philmar sa pag-aalagang ginagawa nito sa kanyang anak. Grateful umano si Jake na wala siyang inaalala o pinoproblema kay Philmar pagdating kay Ellie.

Samantala, kasama rin ni Andi si Philmar nang tanggapin nito ang Honorary Distinction Award mula sa Parangal ng Sining para sa kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose. Hindi napigilang maging emosyonal ni Andi nang tanggapin ang tropeyo na umano'y ihehelera niya sa mahigit 50 na pang mga tropeyo ng isa sa mga kinikilalang mahuhusay at respetadong aktres sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel