Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasabit ng money garland tuwing graduation

Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasabit ng money garland tuwing graduation

- Binigyang-diin ni Rosmar Tan ang sakripisyo ng mga magulang sa paggawa ng money garland para sa kanilang mga anak.

- Ipinakita ni Tan kung paano naglalaan ng oras at pera ang mga magulang para mag-ipon at gumawa ng money garland

- Inihalintulad niya ang pagsabit ng money garland sa pagbibigay ng bulaklak tuwing Araw ng mga Puso

- Ayon sa kanya, ang pagsisikap ng mga magulang para iparamdam sa kanilang mga anak na espesyal sila ay dapat magsilbing inspirasyon

Nagbigay ng kanyang opinyon si Rosmar Tan, isang kilalang personalidad sa social media, hinggil sa isyu ng pagsabit ng money garland tuwing graduation. Sa kanyang post sa social media, ibinahagi niya ang kanyang pananaw tungkol sa kontrobersiyal na gawain na ito.

Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasbit ng money garland tuwing graduation
Rosmar Tan, nagbahagi ng kanyang opinyon sa pagsasbit ng money garland tuwing graduation
Source: Facebook

Binigyang-diin ni Tan ang malaking sakripisyo at pagsisikap ng mga magulang upang maipakita ang kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang mga anak. Aniya, "Tulad kami ng asawa ko, dahil sa 1M na sinabit ni papa at mama nung kinasal kami dun nagbago ang buhay naming mag asawa. Na dating nakatira lang kami sa likod ng petshop nung nag sama kami at ngayon na ilan na ang property.

Read also

Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya

Inihalintulad din niya ang sitwasyon sa mga nagaganap tuwing Araw ng mga Puso, kung saan may mga estudyanteng may bitbit na bulaklak habang ang iba naman ay wala.

Sa kabila ng mga negatibong komento, nanawagan si Tan na imbes na husgahan ang mga magulang na nag-e-effort na ipakita ang kanilang pagmamahal, ay mas nararapat na matuwa at mainspire ang lahat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang post ni Tan ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, may mga sumasang-ayon at may mga nagpahayag ng kanilang pagtutol. Ngunit isang bagay ang malinaw, binuksan nito ang diskusyon tungkol sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa iba't ibang okasyon.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Cherry White at Boy Tapang, muling nagkita sa birthday party ni Whamos

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: